Justine Ferrer commends Vice Ganda’s stand on "no crossdressing policy"

Justine Ferrer on legalization of same-sex marriage in the U.S.: "Marami akong mga gay friends sa U.S. na matagal nang hinihintay ang desisyon na ito. Gusto na nilang magpakasal sa mga domestic partners nila. Ngayon at legal na, sure ako na marami akong matatanggap na wedding invitations mula sa mga friends ko sa Amerika."


Humanga at nagpasalamat ang dating Survivor Philippines castaway at transwoman na si Justine Ferrer sa pagpapakita ng suporta ni Vice Ganda sa naging isyu ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community laban sa “no crossdressing policy” diumano ng Valkyrie Super Club.

Isa si Justine sa naimbitahang dumalo sa ginawang assembly ng LGBT community noong June 24 para pag-usapan ang naging reklamo nina Veejay Floresca at Trixie Maristela dahil sa pagharang sa kanilang makapasok sa Valkyrie dahil sa pagiging crossdressers diumano nila.

Si Veejay ay isang kilalang fashion designer na naka-base sa California; samantalang si Trixie naman ay nanalong Miss Gay Manila 2015.

Ayon kay Vice, ang nangyari kina Veejay at Trixie ay paglabag sa karapatang-pantao, lalo na ng LGBT community, na makapasok at mag-enjoy sa naturang establishment.

Isa sa shareholders ng naturang bar si Vice at kapag napatunayan niyang may ganyang policy sa naturang bar, handa raw siyang i-pullout ang shares niya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Vice Ganda threatens to pull out "small share" at Valkyrie; condemns "no crossdresser policy"

Sabi ni Justine tungkol kay Vice, “Dito ko hinangaan si Vice kasi, kung tutuusin, hindi niya problema ito.

“Marami siyang pinagkakaabalahan sa buhay pero nagawa niyang makiharap sa problema ng LGBT community.

“Ganyan siya ka-concern sa problema ng mga kapatid natin.

“Kumbaga, kahit na sa tingin mo ay hindi na siya maabot, gumawa siya ng paraan para ma-involve siya sa problemang ito.

"Kaya saludo kami kay Vice Ganda."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Justine noong June 25 sa Annabel Lee Café, along Timog Avenue, Quezon City.

FINDING OUT THE TRUTH. Sa kaso ni Justine, hindi pa raw niya naranasang hindi papasukin sa isang establisimyento dahil sa kanyang pagiging transwoman.

“Sa totoo lang, wala pang nangyayaring ganyan sa akin.

“Kapag nagba-bar hopping naman ako with my friends noon, wala akong experience na kinuwestiyon or dine-deny ang pagpasok ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nga ako nagulat nang mabasa ko na may ganyang policy pa pala.

“Tama si Vice nang sabihin nito na napaka-third world naman ng policy na ‘yan.”

Dagdag pa ni Justine, “Kilala ko sina Veejay at Trixie. Siyempre naawa naman ako sa kanila.

“Lalo na si Trixie na kasama pa pala niya ang family niya noong gabing iyon nang hindi siya papasukin.

“Ang hindi katanggap-tanggap doon ay yung humiliation, e.

“Kahit naman ako, magrereklamo rin kung mangyari sa akin ang ganyan, tapos kasama ko pa ang mga mahal ko sa buhay.

“Kaya nga si Vice, siya na raw ang makikipag-usap sa board ng Valkyrie since isa siya sa share owners doon.

“Aalamin niya kung totoo ang policy nila na ‘No Crossdressing.’

“From there ay magdedesisyon siya ng gagawin niya.”

TIM YAP. Kaibigan din ni Justine ang isa pang shareholder ng Valkyrie na si Tim Yap.

Ipinagtanggol ni Justine si Tim dahil wala naman daw itong kinalaman sa anumang policy ng bar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naaawa naman ako kay Tim kasi siya ang sinisisi ng ilang mga tao sa nangyari.

“Nakatanggap siya ng napakaraming pamba-bash sa mga social media accounts niya.

“Unang-una naman, hindi si Tim ang gumawa ng policy na iyon, kasi isa lang siya sa mga may share sa bar na iyon.

“Isipin naman ng iba na may board of directors ang mga ganyang establishments. Unfair na siya agad ang iba-bash nila.

“Naawa tuloy ako sa kanya kasi siya ang inaatake.

“Nagkausap naman na kami ni Tim at mananahimik lang daws siya sa issue na iyon dahil hindi nga naman siya directly involved.”

SAME-SEX MARRIAGE. Hiningan din namin ng reaksiyon si Justine tungkol sa pag-legalize ng same-sex marriage sa lahat ng states ng U.S.

Hindi raw makapaniwala si Justine na mangyayari ito kaya sobra siyang natuwa.

“I’m so happy!” bulalas niya.

“Sa wakas, nabukas na rin ang mga mata nila sa anong dapat mangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang ipinaglalaban naman ng LGBT community ay equal rights.

“Pare-pareho tayong lahat, so bakit may mga hindi puwede gawin ang mga gays na ginagawa ng mga iba?

“Noong mabalitaan ko ‘yan, akala ko ay joke lang.

“Pero noong ibinalita na sa mga news programs sa Amerika, sobrang natuwa ako.

“Kasi naman, marami akong mga gay friends sa U.S. na matagal nang hinihintay ang desisyon na ito. Gusto na nilang magpakasal sa mga domestic partners nila.

“Ngayon at legal na, sure ako na marami akong matatanggap na wedding invitations mula sa mga friends ko sa Amerika.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close