John Lapus to bashers of LGBT and same-sex marriage: "Huwag po kayong manghusga, mas ayaw ng Panginoon ang taong humuhusga."

Naniniwala si John “Sweet” Lapus na malayo na ang narating ng Pilipinas pagdating sa pagkilala sa LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals, Transgenders) community.


Ikinatuwa ni John “Sweet” Lapus ang latest ruling ng Supreme Court sa United States na kilalanin ang same-sex marriage sa lahat ng states doon.

“Sobrang nakakatuwa talaga,” bungad ni John nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Martes ng tanghali, June 30, sa story conference ng upcoming horror-comedy film na Echorsis, kung saan makakasama niya sina Benjamin Alves at Alex Medina.

Gagampanan ni John dito ang role ng isang multo na sasanib sa lalaking paghihingantihan niya (Alex) na gusto rin niyang mag-"out."

Ayon pa sa actor-TV host, napapanahon ang nasabing pelikula na tumatalakay sa mainit na usapin ngayon tungkol sa LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals, Transgenders) community.

Malayo na raw ang narating ng Pilipinas pagdating sa pagkilala sa LGBT.

“2015 na. Legal na ang gay marriage sa America and most of Europe.

“Sa Pilipinas naman, wala nang tinutuksong ‘Bakla! Bakla!’ sa kalye. LGBT empowerment na ngayon.

“Perfect timing ang pelikula na ‘to dahil nga sa fact na ang buong Pilipinas ay sumusuporta na sa LGBT community.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


MESSAGE TO CRITICS. Mayroon ding mensahe si John sa bashers at kritiko ng LGBT community.

“Again, ang equality lang ang hinihingi ng LGBT community.

“Ang gay marriage, hindi naman tumutuligsa sa pananampalataya ng isa't isa.

“Madami akong kaibigang Katoliko na nagpakasal o magpapakasal na sa Amerika bilang approved na nga sa buong Amerika.

“So, huwag po kayong manghusga dahil sa pagkakaalam ko, mas ayaw ng Panginoon ng taong humuhusga kesa sa LGBT community.

"Mas mali 'yon."


CALL FOR EQUALITY. Nabanggit din kay John ang nasulat sa PEP, kung saan binatikos ang aktres na si Angel Locsin dahil sa pagpapahayag nito ng suporta sa mga miyembro ng LGBT community at ang pagkilala sa same-sex marriage.

Read: Angel Locsin attacked for defending LGBT community, supporting same-sex marriage

Depensa naman ng komedyante, kung may bumatikos kay Angel, mayroon din namang pumuri rito.

“Siguro na-bash lang si Angel, but I’m pretty sure mas marami ang pumuri at nag-applaud ng pagiging pro-LGBT marriage at pagsuporta ni Angel Locsin doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ako kay Angel, dedmahin na niya.

"Lalo na dito sa Pilipinas, Roman Catholic country tayo.

“Most of us, 80 percent ng mga Pilipino ay Roman Catholics, so hindi mo rin masisisi.

“But, you know, isa ako sa mga 80 percent. Catholic din ako, solid pamilya ko, Katoliko kami.

"Nag-aral ako sa University of Sto. Tomas [na isang Catholic university], nagdadasal ako, nagbabasa ako ng Bible.

“Ang gusto lang naman ng LGBT community ay equality.

“Sa Amerika, equal na ngayon, puwede na ring ikasal ang same sex.”

Ayon kay John, marahil ay matatagalan pa sa Pilipinas bago tuluyang matanggap at kilalanin ang same-sex marriage, pero malaki na rin ang pagbabago ng Pilipinas pagdating sa pagtrato sa mga miyembro ng LGBT community.

“So far, happy naman ako na kitang-kita ko ang improvement ng respeto ng mamamayang Pilipino sa LGBT community, kumpara nung bata ako na ‘70s, ‘80s.

“Siguro mas mabagal lang sa Pilipinas, but we’re getting there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang napansin ko, may list ‘yan, e.

"Lahat ng countries na approved na ang gay marriage, napakaasensong bansa, napaka-advance na mga bansa.

"Sa palagay ko, 'yon ang tama."

Maliban sa United States, ang iba pang mga bansa kunsaan legal ang same-sex marriage ay ang mga sumusunod: Argentina, Belgium, Brazil, Canada, Denmark, France, Iceland, Luxembourg, Netherlands, New Zealand, Norway, Portugal, South Africa, Spain, Sweden, United Kingdom, at Uruguay.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close