Jiro Manio fetched by his younger brother at NAIA; finally returns home

Nakauwi na si Jiro Manio matapos ang halos limang araw na pamamalagi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Sinundo siya ngayong Miyerkules ng umaga, July 1, ng kanyang nakababatang kapatid na si Anjo Santos.


Sinundo na si Jiro Manio ng nakababatang kapatid niyang si Anjo Santos mula sa kustodiya ng security officials ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, pasado alas-diyes ng umaga ngayong Miyerkules, July 1.

Base sa larawang ibinahagi ng Manila International Airport Authority (MIAA), makikitang bagong bihis si Jiro at maayos naman itong sumama sa kanyang kapatid.

Dumaan din daw sa pagsusuri ng doktor at psychiatrist ng NAIA si Jiro bago siya pauwiin.

Pero bago pa man nalaman ng publiko na pakalat-kalat si Jiro sa NAIA Terminal 3, nanawagan na ang nakababatang kapatid nitong si Anjo sa kanyang Facebook account na ipagbigay-alam sa kanila ang kinaroonan ng nawawalang kapatid.

KUNG SINO MAN PO MAKAKITA SA KUYA KO PAKI MESSAGE PO AKO TULUNGAN NIYO PO KAME :(

Posted by Anjo Santos on Tuesday, June 30, 2015

Kasabay ng pagkalat ng larawan ni Jiro habang nasa loob ng NAIA Terminal 3 kahapon, agad na nanawagan ang nakababatang kapatid ng tulong para sa kanyang kuya.

Sabi ni Anjo sa kanyang Facebook status kahapon, June 30: “HUMIHINGI PO KAME NG TULONG PARA SA KUYA KO SA MGA NAKAKAKILALA AT KAIBIGAN AT MALALAPIT NA KAMAG ANAK NAMIN TULUNGAN NIYO PO KAME PATI MGA NAKAKAKILALA SA SHOWBIZ TULONG PO SANA PLEASE SHARE.”

HUMIHINGI PO KAME NG TULONG PARA SA KUYA KO SA MGA NAKAKAKILALA AT KAIBIGAN AT MALALAPIT NA KAMAG ANAK NAMIN TULUNGAN NIYO PO KAME PATI MGA NAKAKAKILALA SA SHOWBIZ TULONG PO SANA PLEASE SHARE :(

Posted by Anjo Santos on Tuesday, June 30, 2015

Bago naman nito sunduin ang kanyang kuya sa airport, sinabi ni Anjo na umaasa siyang makayanan nila ang kinakaharap na problema.

MAGIGING MAAYOS DIN LAHAT KUYA KAYA NATIN YAN !!

Posted by Anjo Santos on Tuesday, June 30, 2015

Sa ngayon, si Ai-Ai delas Alas pa lamang ang hayagang nag-alok ng tulong kay Jiro mula sa showbiz.

Nagkasama sina Ai-Ai at Jiro sa pelikulang Ang Tanging Ina noong 2003.

Read: Jiro Manio to concerned citizens: "Salamat na lang, kaya kong mabuhay mag-isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN