Dennis Padilla: “Ang anak, kayang tiisin ang magulang, pero ang magulang, never matitiis ang isang anak.”

Dennis Padilla says he can relate to his role in The Breakup Playlist since he is also a father in real life. But in real life, he says that his parenting style is treating his children like his "barkada." However, he said, “Pero ‘pag dumating sa punto na sobrang barkada na, nakakalimutan mo na na magulang mo ako, kailangang i-remind mo siya, di ba?"


Ibinahagi ni Dennis Padilla na nakaka-relate siya sa role niya sa The Breakup Playlist, ang pelikulang pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo.

Ayon kay Dennis, naging malapit sa kanya ang role bilang ama ni Sarah dahil tatay rin siya sa totoong buhay.

“Well, true to life yun dahil ang dami ko ring daughters.

“Kumbaga, bagay sa 'kin yung role.”

May eksena sa pelikula kung saan nagkaroon ng kumprontasyon ang character ni Sarah na si Trixie sa kanyang mga magulang, na ginampanan ni Dennis at ng aktres na si Rio Locsin.

Sa eksena ay sinagot-sagot ni Trixie ang kanyang ina, kaya nagalit sa kanya ang ama.

Nakapagbahagi naman ng makahulugang saloobin si Dennis tungkol sa eksenang ito.

“E, kasi, ipinapakita dun sa movie, di ba, na para ngang ako yung kakampi niya sa bahay, di ba?

“Pero dumadating yung time na pag lagpas na yung ginagawa ng isang anak, kailangang sabihin mo sa kanya na mali na yung ginagawa mo."

Dagdag pa ni Dennis, “May mga bahagi sa buhay na pagiging lenient ng magulang sa anak, pero yung leniency na yun, kumbaga, may cut-off. Hanggang diyan lang ‘yan.

"Pag lumagpas 'yan diyan sa limit o sa boundary na nadi-disrespect mo na yung parents mo, it’s about time to remind them na, ‘Anak, hindi mo 'ko barkada, tatay mo 'ko.'"

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa premiere ng The Breakup Playlist nitong Martes ng gabi, June 30.


PARENTING STYLE. Ayon kay Dennis, nadalian siyang gampanan ang role at dalhin ang mga emosyunal na eksena, lalo na kapag tatay ang role niya dahil nga siya ay ama sa tunay na buhay.

“Well, it’s easy for me because I’m a father.

“And I know how it feels, kaya yung pagka ang role ko father nung bida, naa-apply ko, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naibahagi rin ni Dennis ang kanyang parenting style.

“Parang barkada rin nila ako sa bahay, e. Yung style ko, barkada.

“Pero pag dumating sa punto na sobrang barkada na, nakakalimutan mo na na magulang mo ako, kailangang i-remind mo siya, di ba?

“Na yung boundary natin as a father [and daughter] will remain kahit tinatrato kitang friend.”

Sinabi rin ni Dennis na hindi niya pipigilan ang kanyang mga anak sa mga gusto nitong i-pursue sa buhay, lalo na kung nasa tamang edad na sila.

“Yes, of course, lalo na kung of age na siya.

“Makakapag-decide na siya, kumikita na siya ng sariling pera.

“Siyempre, kailangan mo siyang bigyan ng freedom.”

Subalit papaano kung magkamali ang kanyang anak at talikuran nito ang kanyang mga magulang?

Saad ni Dennis, “Eventually, sigurado naman yun, tayo namang mga Pilipino, by heart, mapagmahal sa mga magulang.

“They begin to realize na, ‘Nabigla lang ako, nasabi ko lang yun’ dahil bata ka, mapusok ka.

“And in the long run, pag tumagal-tagal, ‘tsaka mo lang mari-realize, 'Tama pala yung sinasabi ng tatay at nanay ko.'”

Pero mananatili naman daw ang suporta niya sa mga anak kahit ano pa ang mga gusto nilang i-pursue sa kanilang mga buhay.

“Masasabi ko lang, ang mga parents, they’re always behind the children.

“Kung ano ang goal nila sa buhay, ang mga parents, lagi lang nasa likod.

“At basta ang importante, lagi mo lang silang maaalala.

“Yung konting panahon na meron ka, hindi mo alam kung ano mangyayari, di ba, ang bilis ng buhay.

“So, hangga’t may chance ka na ipakita yung pagmamahal sa magulang mo, any moment, kahit kailan mo ma-feel, ipakita mo na ngayon.

"Kasi mamaya, it’s too late. Sayang.”


REAL LIFE. Hinihiling din ni Dennis na sana ay may matutunan ang mga manonood sa kanilang pelikula na palabas na sa mga sinehan simula ngayong araw, July 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I hope yung movie, hindi lang mga parents matututo, yung children din matututo.

“Kamukha yung pagdating ni Sarah, yung sumuot siya in between the parents, that explained everything.

“More than sorry, more than the tears, di ba?"

Pagbabahagi pa ni Dennis, “Kaya nung sinu-shoot namin yung eksena na yun, hindi ko pa naramdaman masyado, e, na sumuot siya.

“Pero nung nanonood na ako kanina, tapos visual na siya, grabe, naluha ako.”

Ano ang gagawin niya kung sakaling sa kanya at sa anak niya mangyari yun?

Sagot ni Dennis, “Siyempre, maiiyak din ako, di ba?

“Of course, di ba, may kasabihan nga tayong mga Pilipino, ang anak kayang tiisin ang magulang.

"Pero ang magulang, never matitiis ang isang anak, di ba?"

Sa tunay na buhay, may pinagdadaanan din si Dennis sa kanyang pagiging ama sa mga anak niya sa dating asawa na si Marjorie Barretto.

Partikular na ang anak niyang si Julia Barretto, na may petisyong ipatanggal sa kanyang pangalan ang apelyido niyang Baldivia, na siyang tunay na apelyido ni Dennis.

Read: Dennis Padilla still waiting for daughter Julia Barretto to withdraw petition to change surname


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN