Dennis Padilla still waiting for daughter Julia Barretto to withdraw petition to change surname

Dennis Padilla on daughter Julia Barretto’s petition to change her surname: “Julia has the right, 18 na siya. Kung gusto niyang tanggalin ang pangalan ko, puwede. Pero kung gusto niyang withdraw-hin yung petisyon niya, puwede. Pero wala akong magagawa kung gusto nilang tanggalin yung apelyido ko. Dahil yung pagbibigay ko ng apelyido ko sa kanila, ina-acknowledge ko silang mga anak ko. Ngayon, kung tatanggalin nila ang pangalan ko sa apelyido nila, kayo na ang mag-inter


Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala inuurong ni Julia Barretto ang petisyong ipatanggal sa kanyang legal name ang Baldivia, na siyang tunay na apelyido ng kanyang ama na si Dennis Padilla, sa kabila ng pag-aayos ng mag-ama bago ang debut party ng young actress noong Marso.

Read: PEP SCOOP. Julia Barretto makes first move to reconcile with dad Dennis Padilla

Ito ay base na rin sa mga pahayag ni Dennis pagkatapos ng presscon proper ng pelikulang The Breakup Playlist ngayong Martes, June 23, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dennis, hindi napigilan ng character actor na mapaluha dahil sa pangyayari.

May pagkakataon pa ngang huminto si Dennis sa interview at tumalikod para pahirin ang luha sa kanyang mga mata.

Lahad ni Dennis, “Kasi nung March pa yung sinabi niya sa presscon na iwi-withdraw na niya ang petisyon niya.

Read: Julia Barretto changes her mind about changing her surname: "No need to change my last name."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, April nung magkausap kami.

“So, hindi ko alam kung mangyayari ba yung sinasabi niya.

“Hindi ko rin alam kung may pagbabago sa kanyang desisyon o ano.

“May hearing kami ng August. Ibig sabihin, tuluy-tuloy pa rin yung petition.”

JUST BUSY. Nakausap na raw ni Dennis si Julia tungkol dito, at sinabi naman sa kanya ng anak na tuloy ang plano niyang i-withdraw ang petisyon.

Kuwento pa ng komedyante, “Tinanong ko lang si Julia na, ‘I heard sa presscon mo na sabi mo, balak mo nang i-withdraw yung petisyon para tanggalin yung family name.’

“Sabi ng lawyer ko, formally, kailangan mag-file din yung lawyers ni Julia na sina Atty. [Lorna] Kapunan na wini-withdraw na nila yung petition.

“So, that’s what… March. Wala namang nagaganap na withdrawal up to now.

“So, I don’t know.

“Tinanong ko kay Julia kung bakit, sabi niya busy raw siya. Hindi pa raw sila nagmi-meeting ng mga lawyers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko naman matanong kay Julia na, ‘E, kailan kayo magmi-meeting ng mga lawyers?’

“Napapagod na rin kasi akong magtanong. So, hintayin ko na lang.

“Kung winithdraw, e, di mabuti. Kung hindi, itutuloy ko ang petition.

“Pag natalo ako sa kaso at sinabi ng judge na tanggalin na ang family name ko, wala na akong magagawa.

“Kasi ako, kaya dala nila ang apelyido ko, kasi in-acknowledge ko silang mga anak ko.

“Ngayon, kung tatanggalin nila ang apelyido ko, hindi nila ina-acknowledge na tatay nila ako… wala akong magagawa.”

Pero kahit anong mangyari, siya pa rin naman ang tatay ni Julia at iba pa niyang mga anak sa dating asawa na si Marjorie Barretto.

Pahayag ni Dennis, “Yun ang nararamdaman ko para sa kanila.

“Pero sa nangyayari, hindi ganun yung nararamdaman ko mula sa kanila kaya…

“Sana, matuloy yung withdrawal.”

Natuwa raw si Dennis nang una niyang marinig ang pahayag ni Julia sa pag-atras nito ng kanyang petisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi nga, para tapos na, time-consuming din naman.

“Gusto kong mag-concentrate si Julia sa career niya kaysa naman na may kasong ganito. Hindi mo naman kailangan ng ganito.

“Yung apelyido na yun, kasi tatay mo ako.

“Nagtataka nga ako dahil yung ibang mga bata, naghahanap sila ng tatay nila.”

REACHING OUT. Nakausap na rin daw ni Dennis ang isa pa niyang anak na si Claudia, at sinabi niya ritong hindi kailangan ng batang papalitan ang apelyido niya.

Ano ang sagot ni Claudia sa kanya?

Ayon kay Dennis, “E, minsan yata, yung mga bata natatakot na magsalita dahil kasi baka mapagalitan ng nanay.

“Kaya siguro sila hindi makapag-comment o makapagsalita, siguro sinasabi ni Marjorie na, ‘Huwag kayong magsasalita. Magpaalam muna kayo sa akin bago kayo magsalita.’

“Pag nagti-text ako at tumatawag sa kanila, waiting na lang akong mag-reply nila.

“Everytime na I was trying to call them, it’s either missed call ako… siguro natatakot lang sila kay Marjorie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagtataka nga ako, e. Ano bang mahirap?”

Sa puntong ito, muling pinangiliran ng luha si Dennis nang banggitin ang pinagdadaanan niya sa sitwasyon nilang mag-ama.

“Masakit. Siyempre, tatay ako.

“Napapagod din ako.

“I have other children, sabi nila, ‘Ano ba, Papa, reach out ka nang reach out, e, ayaw naman ata nila. Nandito naman kami.’

“So, dito muna ako. Meron pa nga akong three-year-old na boy.”


GIVING UP. Inamin ni Dennis na minsan ay naiisip niyang pakawalan na ang kanyang petisyon.

“Two days ago, naiisip ko na ‘yan. Kung ayaw ninyo ng family name ko, so be it.

“Iniisip ko, i-withdraw ko na lang.

“Kaya lang, kung iwi-withdraw ko, para lang pinababayaan kong hindi nila i-acknowledge ang pangalan ko.”

Naniniwala si Dennis na may impluwensiya ng dating asawang si Marjorie Baretto ang naging desisyon ng mga anak niya na ipatanggal ang apelyido nila.

“Kasi nung nag-file si Julia ng petisyon, 16 years old lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Claudia naman, 14.

“So ngayon, 16 na si Claudia, 18 na si Julia.

“Saka maiisip mo ba yung tanggalin ko ang apelyido ng tatay ko.”

Pero ngayon daw ay may sarili nang pag-iisip si Julia.

“Hindi mo na mapipigil si Julia, 18 na yun, e.

“Ako, sa akin, Julia, you’re old enough.

“Julia has the right, 18 na siya. Kung gusto niyang tanggalin ang pangalan ko, puwede.

“Pero kung gusto niyang withdraw-hin yung petisyon niya, puwede.

“Pero wala akong magagawa kung gusto nilang tanggalin yung apelyido ko.

“Dahil yung pagbibigay ko ng apelyido ko sa kanila, ina-acknowledge ko silang mga anak ko.

“Ngayon, kung tatanggalin nila ang pangalan ko sa apelyido nila, kayo na ang mag-interpret dun.”

Ilang beses na raw siyang nagti-text kay Julia, at sa sampung text messages niya, isang beses lang daw kung mag-reply ang anak.

FATHER’S DAY. Kaugnay nito, ikinagulat ni Dennis na binati siya ng “Happy Father’s Day” ni Julia sa Instagram account nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Hindi ito nakarating kay Dennis dahil wala siyang IG account. Ang mayroon lang daw siya ay Facebook.

Saad ng komedyante, “Alam n’yo, lahat ng Julia Baretto sa Facebook, in-add ko silang lahat.

“Pag merong nag-a-add sa aking Julia Barretto… may Jules Barretto pa nga.

“Alam n’yo, hindi ko alam kung alin sa kanila ang totoo [na Julia Barretto].

“At maganda naman ang sinasabi, ina-add ko na silang lahat, tatlo o apat silang lahat.”

Nagpapasalamat si Dennis dahil naalala siya ni Julia nitong nakaraang Father’s Day, at tinext din daw siya ng anak.

“Kasi nga, si Criselda Navarro nag-text sa akin ng umaga…

“Nung nakuha ko yung text… siguro sad ako, e.

“Kaya sumagot ako ng ‘Buti ka pa. Anyway, salamat sa pagbati.’

“After two hours, nag-text naman si Julia. Sabi niya, ‘Happy Father’s Day, Papa.’

“Sumagot ako, sabi ko, ‘Salamat, ingat na lang kayo lagi.’

“Nag-text uli siya, ‘What’s your plans?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Sa bahay lang ako. Kasi your Ate Louise and Kuya will be coming.’

“Tapos hindi na nag-reply.”

Patuloy ni Dennis, “Alam mo, hindi ko rin maalis sa bata kung hindi siya nagre-reply.

“Kasi baka nga natatakot yung bata na mag-reply palagi o tumawag lagi o makipagkita sa akin kung gusto kong makipagkita.

“Kasi nga, nag-iingat lang siya dahil baka ayaw rin niya ma-offend ang mother niya.”

Nag-reach out na ba siya kay Marjorie para matapos na itong isyu na ito?


Sagot ni Dennis, “No, I never reach out to her. I only reach out to my children.”

Ed's Note: Bukas ang PEP sa panig nina Julia, Claudia, at Marjorie hinggil sa mga pahayag na ito ni Dennis.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close