Zsa Zsa Padilla moves out of Dolphy’s house; moves in with boyfriend Conrad Onglao

Zsa Zsa Padilla admits that she is already living in the same house with boyfriend Conrad Onglao. She left her house with the late Comedy King Dolphy because it reminds her of his memories. "Kasi ganun pala yun pag namatayan ka, even in your head, you know the reality of things, you know na namatay na yung tao, but there’s a part of me that always wait for him to come back."


Inamin ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla na nagsasama na sila ng kanyang boyfriend na si Conrad Onglao sa bahay ng arkitekto.

Naibahagi ito ni Zsa Zsa sa press launch ng kanyang album na Beginnings kahapon, June 30, sa Victorino’s Restaurant, Jamboree St., Quezon City.

Ngunit nilinaw ng Kapamilya singer-actress na hindi for sale ang Marina property nila ng kanyang yumaong partner—ang King of Comedy na si Dolphy.

Dito pa rin daw nakatira ang mga anak nilang sina Zia at Nicole Quizon.

Matatandaang naibalitang nagbebenta ang Quizon family ng properties na iniwan ni Dolphy, ngunit hindi kasama ang bahay nito sa Marina, sa Parañaque City.

Read: Zsa Zsa Padilla clarifies Dolphy's Marina property is not for auction

Sabi ni Zsa Zsa, “’Yung Marina [property] kasi was never for sale.

“By God’s grace, kaya pa naman naming patakbuhin."

Dagdag niya, “But right now, I actually live with my boyfriend in San Lorenzo [in Makati City].

"Pero ako pa rin yung nagpapatakbo [ng Marina house]."

Ayon kay Zsa Zsa, sa pag-alis niya sa Marina ay parang nabigyan niya ng independence ang kanyang mga anak.

“At least they feel their independence, at least they’re able to design it the way they wanted to.

“Zia was able to fix [it] the way she wanted to, and kasi they’re all grown up na naman.

“But eventually, of course, I would want for all of us to have our own place na rin.”


NOT SELLING PROPERTIES. Ibinahagi rin ni Zsa Zsa na hindi niya ibinebenta ang mga ari-arian na ipinamana ni Dolphy sa kanila ng mga anak niya.

“Yung Batangas property na nabalita... actually, maraming lupa si Dolphy in Batangas, malapit siya sa Lian, in San Diego.

“Yung property that belongs to the estate, ibinebenta yun.

“Pero yung ibinigay niya sa aming lupa overlooking the ocean, hindi namin siya ibinebenta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, actually, I have not sold any of the properties that was given to us."

Subalit inamin ni Zsa Zsa na may mga pagkakataong naiisip niya na ring ibenta ang ibang properties na iniwan sa kanya ng Comedy King.

“The Baguio [property] also is not for sale.

“Hindi pa naman kasi... sometimes we’re taking off also, kasi it belongs to Zia, Nicole, and myself.

“So sometimes, we’re thinking, puwede naming ibenta.

"It’s a good price, a start-off for a capital for a business."


REMEMBERING DOLPHY. Inamin din ni Zsa Zsa na si Dolphy ang dahilan kung bakit naisipan niyang umalis na sa bahay nila sa Marina.

Ito ay sa kadahilanang bigla na lang daw niyang naaalala si Dolphy at inaakalang babalik pa ito.

“Sa akin kasi, it was difficult for me to be there.

“Kasi, ganun pala yun, pag namatayan ka, even in your head, you know the reality of things, you know na namatay na yung tao, but there’s a part of me that always wait for him to come back.

“Meron palang ganun, na parang hinihintay mo na bumukas yung pinto na, ‘Uy, nagbakasyon lang ako.’

“Ganyan, ‘Galing lang ako sa taping.’

“So it was difficult for me in the sense na madi-disappoint ka pag hindi dumadating.

“So sometimes it just comes out, e, that I would be crying.

“Parang, ‘Uy, you never came back!’ And that’s what I kept saying, parang hinihintay mo lang bumalik.

“So, for me, it was healing for me kaya ako umalis dun."

Pero siya lang ang umalis, at mas pinili nina Zia at Nicole na manatili sa dati nilang bahay.

“With my children, I think they’re hanging on to [the house] kasi lumaki sila doon, e.

“The house is actually as old as Zia, so 24 years old.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s the only home they only know of.

“Hirap naman ako na tanggalin sila dun kasi they have a sense of security, they feel safe in that home.

“So, for me, it was the opposite, I had to leave.”


SIMPLE WEDDING. Nauna nang nabanggit noon ni Zsa Zsa na wala pa silang balak magpakasal ng boyfriend niyang si Conrad Onglao.

Naghihintay pa raw sila ng tamang pagkakataon para rito.

Read: Zsa Zsa Padilla on marrying boyfriend Conrad Onglao: “Not yet.”

Hindi pa rin nagbabago ang kanilang desisyon, subalit sinabi ng Divine Diva na kung dadating sila sa kasalan, hindi na siya naghahangad ng magarbong selebrasyon.

Saad ni Zsa Zsa, “Hindi pa naman [kami magpapakasal].

“But if we get there, I think it will be a simple celebration.

“’Di ba, alangan mag-gown pa ako by mga [sikat na] designers?

“I think I would just wear a simple dress or whatever.

“I don’t need all the party, I just want my family to be there if and when it happens.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN