FIRST READ ON PEP. Bianca King admits breakup with non-showbiz boyfriend Julio Villafuerte

Ayon sa actress-TV host na si Bianca King, kahit may kirot mang dulot sa kanyang puso ang recent breakup nila ni Julio Villafuerte, kailangan niyang mag-move on mula rito. Inamin din niyang pagkukulang din siya sa kanilang relasyon kaya nangyari ang hiwalayan nila.


Hindi inaasahan ang naging pag-amin ni Bianca King, 28, na hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Julio Villafuerte, 23.

Ginawa ni Bianca ang pag-amin sa isinagawang PEPTalk ngayong Huwebes, July 2.

Kasama ni Bianca sa naturang guest appearance ang mga kasamahan niya sa Showbiz Konek Na Konek na sina IC Mendoza at MJ Marfori.

Sa PEPTalk episode na ito, tinanong namin ang actress-entrepreneur kung kumusta na sila ni Julio.

Nakangiti at diretsong sagot ni Bianca: “Matagal na kaming break.”

Muli naming inulit ang tanong sa TV5 star: Break na kayo ni Julio?

“Yes!” pagkumpirma ni Bianca.

Ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan?

“The timing is not right,” maiksing sagot niya.

Birong-tanong pa namin: Hindi naman ito over the phone?

“Sa awa ng Diyos, hindi!” medyo natawang tugon ni Bianca.

Matatandaang inamin ni Bianca, sa isang interview noong April, na hiniwalayan siya ng dati niyang boyfriend na si Dennis Trillo sa pamamagitan lamang ng text.

Read: Bianca King names Dennis Trillo as the ex-BF who broke up with her via text


“LIFE GOES ON.” Halos dalawang taon umabot ang relasyon nina Bianca at Julio, ang nakababatang kapatid ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.

Sa panayam ng PEP noon sa aktres, inamin nitong hindi naging hadlang sa kanila ang limang taong agwat ng kanilang edad upang maging masaya sa kanilang realsyon.

Read: Bianca King says five-year gap with boyfriend Julio Villafuerte is not an issue

Sa PEPTalk interview kanina, tinanong namin si Bianca kung bakit parang hindi mababanaag ang lungkot sa kanyang mukha sa kabila ng pagtatapos ng relasyon nila ni Julio.

Sagot nito, “Siyempre, lahat naman ng tao dumadaan sa failed relationship, ‘di ba?

“Meron talagang dinadamdam ng konti, pero hindi na rin ako bata, e, para yun ang pangunahing emosyon na ipapakita ko sa mga tao araw-araw.

“Siyempre, life goes on. Kung ano man yung mga nangyari, alam kong marami rin akong pagkakamali, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, it takes two to tango.

"Kahit ano man yung reason ng breakup, alam ko rin na meron akong mga ginawang bagay para mangyari yung breakup.

“So, iniisip ko lang na, ‘Ano kaya yung mga bagay na yun? Paano pa kaya ako makaka-improve bilang tao?’

“So, nagpo-focus lang ako sa growth ko.

"Kaya positive pa rin kahit may lungkot, siyempre life goes on."

Hindi na sinabi ni Bianca kung kailan sila naghiwalay ni Julio, pero noong Abril ay okay pa raw sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN