Congressman Roman Romulo says he was never jealous of Willie Revillame during Shalani Soledad’s Willing Willie stint

Pasig Rep. Roman Romulo (shown with wife Shalani Soledad) on good friend Willie Revillame: “Alam niyo kasi, ang nangyari sa amin ni Willie, magkaibigan kami before na magkakilala kami ni Shalani. ’Tapos, nabalitaan ko ‘yan na baka sila. So, noong nagkainteres ako kay Shalani, kinausap ko muna si Willie. Nag-lunch kami. Kaibigan ko naman siya, nakilala ko na siya dati pa.”


Tatlong taon nang kasal si Pasig City Congressman Roman Romulo at ang misis nitong si Shalani Soledad, pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak.

Ayon sa kongresista, “Wala pa rin talaga, e.

“In fact, nagpunta na kaming hospital. Nagpapatingin kami kung ano ang best time, kung kailan.

“Pero sabi nga ni Shalani, binanggit niya kanina, pagdating siguro ng panahon, by next year at wala pa, I think, payag na rin kami ng mag-advance.

“Willing kami kung sakali.”

Read: Shalani Soleded and Cong. Roman Romulo willing to try artificial ways to have a baby

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Cong. Romulo sa ginanap na press conference nila ng misis niyang si Shalani noong July 1.


ON WILLIE REVILLAME. Minsan nang na-link si Shalani kay Willie Revillame nang magsama sila sa variety show ng TV host sa TV5 noon.

Ayon kay Shalani, kung sakaling hilingin ni Willie na mag-guest siya sa show nito sa GMA Network na Wowowin ay papayag siya.

Si Cong. Romulo ba ay papayagan si Shalani na mag-guest sa Wowowin?

“Definitely!” mabilis niyang tugon.

“Unang-una, si Willie, napakalaki ng tulong niya kay Shalani.

“Siya naman talaga ang rason kung bakit kahit papaano, nakilala si Shalani.

“Tapos noong panahon na yun, hindi ganoon ka-busy si Shalani, nabigyan ni Willie ng pagkakataon na magka-show.

“Malaking tulong, napakarami rin ng naitulong sa pagkatao ni Shalani ni Willie.

“So, parang walang mali naman.

"Kahit paano, may utang na loob kami kay Willie sa mga naitulong niya."

Ni minsan, hindi ba siya nakaramdam ng selos kay Willie?

Sagot ni Cong. Romulo, “Alam niyo kasi, ang nangyari sa amin ni Willie, magkaibigan kami before na magkakilala kami ni Shalani.

“Tapos, nabalitaan ko ‘yan na baka sila.

"So, noong nagkainteres ako kay Shalani, kinausap ko muna si Willie. Nag-lunch kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaibigan ko naman siya, nakilala ko na siya dati pa.

“Ayoko namang... parang ang bastos ko naman, ‘di ba, kung merong ano tapos papasok ako.

“Sabi naman niya, okey.

"At parang sabi pa nga niya, parang nagulat pa siya na kahit paano nagpaalam pa ako sa kanya.

"Kasi para sa kanya, walang isyu, e."


ROMULO FOR SENATOR IN 2016? Magtatapos na ang tatlong termino ni Romulo bilang congressman ng Pasig City, at matunog ang usap-usapang tatakbo siya bilang senador sa 2016 elections.

Papunta na nga ba siya sa national?

Tugon niya, “Siyempre katulad ng hindi maiiwasan, yun talaga ang interes natin.

“Pero, of course, sabi ko nga, ako 100 percent, pero kailangan din nating pulsuhan ang mga tao. Kailangan din nating makita, ‘di ba?”

Nakakapag-ikot na rin siya?

“Well, kapag nangangampanya ka, punta ka sa isang lugar, lipat ka na.

“Pero katulad ngayon sa education, maraming hindi alam ang batas, marami ang katanungan.

“Ang nangyari sa isang forum na napuntahan ko, minsan buong maghapon, hindi ka na makaalis.

“Yung kabataan ang daming tanong. Kasi, interested ang mga kabataan natin.

“Gusto rin nilang makapag-college. Gusto rin nilang makapagtapos.”

Kung sakali at matutuloy raw sa pagtakbo sa pagka-senador si Cong. Romulo, magiging kasapi raw siya ng Liberal Party.


WILL DINGDONG RUN? Kaugnay nito, kinumusta ng PEP sa kongresista ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes, na matagal nang napapabalitang isa sa gustong makasama ng Liberal Party sa senatorial list nito sa 2016.

Ayon kay Cong. Romulo, “Wala ako sa decision-making kasi nga, ako, tinutuluy-tuloy ko ang ginagawa ko.

“So, sa totoo lang, hindi ko alam kung ano or sino yung kinu-consider nila or final nila.”

Bagamat nagpahayag na si Dingdong na hindi siya tatakbo sa anumang posisyon, sa palagay ba ni Cong. Romulo ay hinog na ang aktor para pasukin ang pulitika?

Tugon niya, “Ako naman, naniniwala ako sa isang bagay na ang public service, ang hirap masabi na handa ka na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang importante rito, character ng tao. Yung competency mo, yung napag-aralan mo.

“Kasi, katulad ako, nag-aral ako ng abogasiya. Nine years akong nag-practice ng Law.

“Pero pagdating sa trabaho mo na ‘to, marami pa ring issues na iba-iba na hindi mo mapaghahandaan nang husto.

“Kaya kapag tinanong niyo sa akin kung may gustong pumalaot sa pulitika at ang tanong ay ready ba sila o hindi, sa totoo lang, sila lang ang makakasagot o hindi.

"Kasi, character talaga ang issue lagi.

“Yung character niya, kung alam niya ang tama at mali.

"Siyempre, sa public service, marami diyan na lalabas kung ano ang totoo, marami rin ang hindi.

“Kailangan kaya mo rin saluhin yun. Kasi, ganun talaga, e.”


WHO'S RUNNING FOR PRESIDENT? Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Cong. Romulo kung sino ang dadalhin ng Liberal Party bilang presidential bet sa 2016 elections.

“Wala pang nasasabi sa akin. Pero si Secretary Mar Roxas ang palaging... siya siguro ang frontliner.”

Mataas sa survey si Senator Grace Poe.

Pagsang-ayon ni Cong. Romulo, “Malakas naman talaga.

“Malakas siya sa presidente, malakas siya sa vice.

"Si Grace na ang makakapagsagot...

“Ako naman, kung sino ang sabihin sa amin ng partido na, 'Eto ang ating standard bearer,' doon tayo.

“Sa tingin ko, sa ngayon po, si Secretary Mar ang para sa Liberal.

"Throughout the year naman, pero kailangan lang talagang ipakita ni Secretary Mar sa taong-bayan ang public servant side na yun.

“Minsan nami-misinterpret siya.

"Ito naman ang panahon na ipakita ni Secretary Mar ang tunay na pagkatao niya para ma-appreciate rin ng taong-bayan kung ano ba siya.”


EDUCATION AS PRIORITY. Ang improvement ng edukasyon ang main advocacy o proyekto ni Cong. Romulo.

Kung sakali at matutuloy siyang tumakbo sa pagka-senador at palaring manalo, ipagpapatuloy pa rin daw niya ang mga proyekto sa edukasyon.

Tatlumpung bills na ang naipasa niya tungkol sa edukasyon, at tatlo sa mga ito ang naging batas: Iskolar ng Bayan, Open Distance Learning Act, at Ladderized Education Act.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinag-uusapan at pinagdedebatehan madalas ang tungkol sa pagpapatupad ng K-12 sa mga paaralan ngayon mula sa elementarya hanggang high school.

Sinabi ni Cong. Romulo na hindi siya sumasang-ayon sa pagsasatupad nito sa isang taon.

Paliwanag niya, “May problema pa po ako sa preparedness ng DepEd [Department of Education].

“Sa palagay ko ho talaga, meron pang kailangang gawin para mas maging prepared sila.

"Palagi ko ngang sinasabi sa DepEd, tuwing may Committee meeting, kahit na gaano kaganda ang K-12, kung hindi naman maganda ang implementation, pabigat lang sa bata at sa pamilya.”

Marami raw kasing kailangan sa pagsasakatuparan ng K-12 sa bansa, isa na rito sa nabanggit niya ang kakulangan ng classrooms.

“They need 29,000 new classrooms, ngayon pa lang nako-construct yun.

"Assuming na magawa yun, may problema pa rin sila sa mga lugar na walang buildable space," sabi niya.

Sa isang banda, naniniwala naman ang kongresista na talagang kulang ng bilang ng taon ang Pilipinas pagdating sa edukasyon.

“In terms of number of years, medyo huli tayo.

“Lahat talaga ng ibang bansa, K-12 na. Yun, totoo.

“Pero ang kuwestiyon nga dun, alam na natin noon pa, 2013 pumasa na ang batas. Pero bakit ang bagal nilang mag-ayos?

“Yun talaga ang kuwestiyon dun. Sila talaga ang nagtulak para pumasa ang batas.

“Ibig sabihin, flagship program ng DepEd ito. So dapat, alam na nila, na-foresee na nila ang problema.

“Hindi puwede ang dating sagot nila na wala namang problema, libre naman ang public high school.

“Totoo yun, pero ang libre lang, tuition fee, assignments, projects, transportation, lahat yun sa magulang.

"So, ang dagdag na two years, hindi yun ganun kadali."

READY TO FACE INTRIGUES. Ngayong may plano siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon, naitanong din sa kongresista kung nakahanda na ba siya sa mga lumang isyu na muling ibato sa kanila ni Shalani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa na rito ang isyung inuugnay noon kay Shalani na kesyo may anak na raw ito sa pagka-dalaga.

Sabi ni Cong. Romulo, “Wala naman pong problema kung ganun talaga.

“Ito naman po ang sa akin, sa totoo lang ha, ako kunwari, assuming na may anak ako and I married Shalani, I’m sure iwe-welcome ni Shalani yun kasi anak ko yun.

“Ako rin naman, kung totoo yun, wala rin naman akong problema kasi hindi naman kami magkakilala noon.

"Pero ang sabi sa akin ni Shalani, wala talaga, e."

Nagawa niyang itanong kay Shalani ang isyung yun?

“Actually, hindi na.

“I think, noong lumalabas kami, may lumabas nang isyung ganyan.

“I think nasa isang dinner kami, may nagtanong sa kanya.

“Lumiligaw pa ako noon, e, at sinagot niya.

"At yung pagkasagot niya, hindi sa dahil gusto ko lang siya at nanliligaw ako, pero kumbinsido ako, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN