Matteo Guidicelli on marrying Sarah Geronimo: “You’ll never know… It can happen tomorrow. It can happen next year.”

Matteo Guidicelli admits in an interview that finding time is a big challenge when it comes to his relationship with girlfriend Sarah Geronimo.


Oras daw ang nagiging problema ngayon nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo dahil pareho silang busy sa kani-kanilang showbiz commitments.

Sa Gandang Gabi Vice guesting ni Sarah, kasama si Piolo Pascual, na umere nitong Linggo, July 5, inamin ng Pop Star Princess na hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng challenges sa isang relasyon.

Sinabi naman sa ulat ni MJ Felipe sa Bandila kagabi, July 6, na matagal nang hindi nagkikita sina Sarah at Matteo dahil pareho silang busy.

Pahayag ni Matteo, “Siyempre, there are really challenges here and there 'coz she’s really busy right now, and I’m really busy right now.

“Work’s first all the time. We just do whatever it takes when our schedules are full, we just focus on work.”

Kahit daw nang mangyari ang pagge-guest ni Sarah sa GGV, nasa kabilang building lang si Matteo pero hindi pa rin sila nagkita dahil kailangang tumakbo ng actor-singer para sa isang trabaho.

Gayunpaman, tiniyak ni Matteo na matibay pa rin ang samahan nila ni Sarah at walang katotohanan ang isyung nagkakalabuan na sila ng kanyang girlfriend.

“No naman. We’re fine. Everything’s fine. Everything’s smooth.

“We’re just busy with work.”

Tiniyak din ni Matteo sa interview sa kanya sa PEPtalk nitong Lunes, July 6, na wala na silang tampuhan ni Sarah.

Read: Matteo Guidicelli assures there's no problem with him and girlfriend Sarah Geronimo


ON SETTLING DOWN WITH SARAH. Sa nasabing PEPtalk interview kay Matteo, tinanong siya sa naging pahayag ng singer-actress sa hiwalay na panayam na gusto niyang lumagay sa tahimik pagkatapos ng tatlong taon.

Ganito rin ang sinabi ni Matteo sa isang interview sa kanya.

Nagkataon lang ba ito o napag-usapan nila?

Ayon kay Matteo, "You'll never know. In life, you'll never know what's gonna happen next, di ba?

“It can happen tomorrow. It can happen next year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sarah and I, we have our own dreams to accomplish.

“Getting married is another step in life, something to be taken very seriously and kailangang pag-isipan nang mabuti.”

Watch PEPtalk interview of Matteo Guidicelli here as he talks about his upcoming "Dreamboys" concert.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN