Maris Racal mourns Oh My G! co-star Julia Louise Buencamino’s death

Isa si Maris Racal (kanan) sa nagulat nang mabalitaan ang pagkamatay ng co-star niya sa Oh My G! na si Julia Louise Buencamino (kaliwa).


Isa ang teen actress na si Maris Racal sa nagulat nang malamang pumanaw na ang co-star niya sa Oh My G! na si Julia Louise Buencamino.

Si Julia ay ang bunsong anak ng mga beteranong artista na sina Nonie at Shamaine Buencamino.

Nagpakamatay si Julia sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili, nitong Martes, July 7, sa kanilang bahay sa Quezon City.

Read: 15-year-old daughter of Nonie and Shamaine Buencamino commits suicide

Sa pamamagitan ng private messaging sa Instagram ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maris, at kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa pagpanaw ni Julia.

Pahayag niya, “Sobrang sad ng news.

"Hindi ko talaga ma-imagine na ganun pala kabigat ang problem niya na dadating sa point na mag-suicide siya.

“Sobrang sad ngayon ng mga co-actors ko po.”

May naibahagi ba sa kanila noon si Julia na problema o pinagdadaanan nito.

Ayon kay Maris, “As in, wala po talaga. Kahit po yung mga nakakasama niya sa set often.

"Masayahin naman po siya."

Close ba sila ni Julia?

Tugon ni Maris, “Nagkasama naman po kami but not often.”

Sa huli ay nagpahatid ng pakikiramay si Maris sa pamilya ni Julia.

“My deepest condolences po sa family niya. Julia is a such a great girl.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN