Janella Salvador, Marlo Mortel shocked and saddened by Oh My G! co-star’s suicide

Janella Salvador, Marlo Mortel, and other stars of Oh My G! saddened by the unexpected death of their co-star Julia Louise Buencamino. In this photo: Marlo, Janella, and Julia (inset) at the press conference of Oh My G! last January.


Nagpahayag ng pagdadalamhati sina Janella Salvador at Marlo Mortel, sa pamamagitan ng social media, kasunod ng balitang pagsu-suicide ng Oh My G! co-star nilang si Julia Louise Buencamino.

Si Julia, 15, ay gumaganap na best friend ni Janella sa nasabing daytime teleserye ng ABS-CBN.

Si Julia ay bunsong anak ng mag-asawang aktor na sina Nonie Buencamino at Shamaine Buencamino.

Kasama rin sa Oh My G! si Nonie.

Sa kanyang Twitter account ngayong Miyerkules, July 8, sinabi ni Janella na nalungkot at na-shock siya nang mabalitaan ang sinapit ng kanyang “bestie” na tawagan nila sa programa.

Madamdamin naman ang post ni Marlo sa kanyang Instagram account.

Ni-repost ng young actor ngayong Miyerkules, July 8, ang Instagram post ni Julia kamakailan kung saan makikita ang yumaong dalaga yakap-yakap ang aso ni Marlo.

Sa kanyang post, nagtanong si Marlo kung ano ang nangyari at ipinahayag ang pagiging close nila ni Julia.

Ani Marlo: “C'mon Julia what happened ;( I still can't believe it. We shared a lot of moments together and always had the longest hugs ;( I just hope you're happy wherever you are now. #RipJulia"

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, natagpuang nakabitin si Julia mula sa kisame ng kanilang tahanan sa Quezon City dakong 8 P.M. ng Martes, July 7.

Sinabi rin sa ulat na nakiusap si Nonie na huwag nang ituloy ang imbestigasyon tungkol sa sinapit ng kanyang anak dahil kumbinsido siyang nag-suicide ito.

Read: 15-year-old daughter of Nonie and Shamaine Buencamino commits suicide

Samantala, ilan pa sa stars sa Oh My G! na nag-post ng kanilang pagdadalamhati at pakikiramay sa pagpanaw ni Julia ay sina Tom Doromal at Patrick Sugui, na dati ring Pinoy Big Brother Teen housemates.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN