Nonie and Shamaine Buencamino grieve over daughter Julia’s death

Dumagsa ang maraming kamag-anak, kasamahan sa trabaho, at mga kaibigan sa unang gabi ng lamay ni Julia Buencamino sa Mount Carmel Church, sa Quezon City, nitong Miyerkules, July 8. Si Julia ang bunsong anak nina Nonie at Shamaine Buencamino na pumanaw noong Martes, July 7.


Damang-dama ang hinagpis ng mag-asawang Nonie at Shamaine Buencamino sa idinaos na misa sa unang gabi ng lamay para sa yumao nilang anak na si Julia Louise Buencamino.

Idinaos ang misa sa Saint Joseph Chapel ng Mount Carmel Church, sa Quezon City, nitong Miyerkules ng gabi, July 8.

Ang ina ni Julia na si Shamaine ay walang tigil sa pag-iyak habang nakikiramay ang mga kaibigan at kamag-anak nila.

Si Julia, 15, ang bunso sa apat na anak nina Nonie at Shamaine.

Noong Martes ng gabi, July 7, ay natagpuan si Julia na nakasabit mula sa kisame ng bahay nila sa Quezon City.

Pinaniniwalaang nagpakamatay ang teen actress na bahagi ng cast ng ABS-CBN daytime series na Oh My G!.

Read: 15-year-old daughter of Nonie and Shamaine Buencamino commits suicide

Nagpaalam ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa manager nina Nonie at Shamaine na si Ricky Gallardo upang magmasid sa unang gabi ng burol ni Julia, at pumayag naman ito.

Bandang alas-otso ng gabi, nagdaos ng isang misa.

Dito ay sinabi ng pari na inaprubahan na ng simbahang Katoliko ang pagkakaroon ng misa para sa mga nagpakamatay, na dati ay hindi tanggap ng pamunuan ng Catholic church.

Nakalagak ang mga labi ni Julia sa isang puting kabaong. Maaliwalas ang mukha nito at may hawak na rosaryo sa kanyang mga kamay.

Naka-display naman sa loob ng chapel ang isang damit ni Julia, family pictures, at artworks nito.


SUPPORT FROM COLLEAGUES, FRIENDS, FAMILY MEMBERS. Halos mapuno ang Saint Joseph Chapel ng mga taong nakiramay at nakinig sa misang ginanap.

Ilan sa unang namataan ng PEP ay sina Ina Feleo, Mitch Valdez, Gary Lim, Mon Confiado, Joel Torre, Bembol Roco, at Bibeth Orteza.

Dumating din sina Janice de Belen, Andoy Ranay, Candy Pangilinan, Meryll Soriano, Giselle Sanchez at asawa nitong si Emil Buencamino (first cousin ni Nonie), Perla Bautista, at si MTRCB Chairman Toto Villareal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Emosyunal din ang mga kasamahan ni Julia sa Oh My G! na sina Maris Racal, Kate Alejandrino, at iba pang cast members ng show.

Kasama naman ni Kate ang boyfriend niyang si Steven Silva, na todo-alalay sa newbie actress dahil iyak ito nang iyak.

Hanggang sa makaalis kami ay patuloy ang pagdagsa ng mga kamag-anak at kaibigan ng pamilya Buencamino kahit na pabugso-bugso ang malakas na ulan.

Sa Linggo, July 12, itinakda ang cremation ng mga labi ng ni Julia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN