Manny Pacquiao finally meets Mary Jane Veloso in Indonesia

Boxer-politician Manny Pacquiao finally fulfils his promise to meet Mary Jane Veloso, who is imprisoned in Indonesia due to drug trafficking case. Manny is one of the people who appealed to the Indonesian government to stop Mary Jane’s execution.


Tinupad ni Manny Pacquiao ang kanyang pangako sa overseas Filipino worker na si Mary Jane Veloso, na nakapiit ngayon sa Indonesia dahil sa kasong drug trafficking.

Iniulat nitong Miyerkules, June 8, ang pagtungo ni Manny at ng kanyang maybahay na si Jinkee Pacquiao sa Indonesia upang tuparin ang pangako ng Pinoy boxing champ kay Mary Jane na nasentensiyahan ng execution.

Read: Manny Pacquiao flies to Indonesia to fulfill promise to Mary Jane Veloso

Hindi natuloy ang parusang kamatayan para kay Mary Jane noong April 29, 2015 pagkatapos siyang bigyan ng clemency upang maging state witness laban sa sumukong recruiter nito sa Pilipinas.

Isa si Manny sa mga umapela kay Indonesian President Joko Widodo na huwag ituloy ang pagbitay kay Mary Jane.

Ngayong hapon, nag-post si Jinkee sa kanyang Instagram account ng mga larawan kung saan kasama nilang mag-asawa si Mary Jane.

Sa kanyang unang post, makikitang magkahawak-kamay sina Manny, Jinkee, at Mary Jane habang nagdarasal.

Sinabi ni Jinkee na naging emosyunal siya habang nagdarasal sila.

Ayon sa caption: “When i pray for her, tears flow in my eyes. I can't get hold the tears in my eyes for what she've been through. But i believe God is in complete control of everything. Scriptures says; everything works together for good those who love God according to His purpose. Let's continue to pray for her that with God all things are possible!

"Glory to God!❤❤❤”

Ang ikalawang post ay binubuo ng photo collage nilang tatlo at iba pa na kuha pa rin sa pagbisita ni Manny kay Mary Jane.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN