Detained senator Bong Revilla hopes to visit ailing father in hospital

Senator Bong Revilla’s spokesperson Atty. Raymond Fortun says the detained senator is planning to request for a three-hour furlough from Sandiganbayan to visit his dad, former Senator Ramon Revilla Sr., in the hospital.


Nakatakdang maghain ng mosyon sa Sandiganbayan ang kampo ni Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. upang pahintulutan siyang bisitahin ang ama na si dating Senator Ramon Revilla Sr., na naospital dahil sa sakit na pneumonia at dehydration.

Ayon sa isang radio interview na nailathala sa GMA News Online kahapon, July 12, inihayag ni Atty. Raymond Fortun, spokesperson ni Senator Revilla, na tatlong oras na furlough o panandaliang pag-alis mula sa kanyang pagkakaditena sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center ang nais hingin ng senador.

Ito ay matapos isugod sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City ang nakakatandang Revilla sanhi ng “metabolic encephalopathy secondary to dehydration and aspiration pneumonia.”

Read: Former Senator Ramon Revilla Sr. rushed to the hospital

Minsan nang pinayagan ng anti-graft court si Senator Revilla na lumabas ng PNP Custodial Center nang maospital ang anak nitong si Jolo dahil sa diumano’y aksidenteng pagkakabaril sa sarili.

Pahayag ni Atty. Fortun hinggil sa request for furlough ni Senator Revilla upang mabisita ang amang may sakit: "Kahit magbigay ng kahit tatlong oras katulad ng binisita niya si Jolo...

“I'm sure the family will appreciate that enough.

“Humihingi lang sila ng konting leniency at pasensiya sa husgado.”

Ayon pa sa abugado, normal na dumanas ng dehydration ang 88-year-old former senator dahil hindi ito makakain.

Bukod sa sakit na pneumonia, sa ngayon ay naka-confine pa rin si Ramon Sr. sa ospital upang sumailalim sa magnetic resonance imaging (MRI) at siguruhing hindi ito ma-stroke.

Sabi pa ni Atty. Fortun, "May indikasyon na nagkaroon ng epekto sa kanyang utak 'tsaka kailangang manatili sa ospital at mag-intake ng antibiotics at dumaan sa MRI para masuri ang kanyang utak at masigurong hindi siya nagkaroon ng stroke.”

Si Senator Revilla ay nakaditena sa PNP Custodial Center mula noong June 20, 2014 dahil sa kasong plunder na kinahaharap nito.

Ito ay matapos masangkot ng senador sa diumano'y pakikipagsabwatan sa itinuturong pork barrel scam mastermind na si Janet Lim-Napoles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN