Julian Trono neither denies nor confirms courting Rita Daniela

Julian Trono is excited to host the webshow of the first boy band search on GMA Network, To The Top, as this coincides with his advocacy. He says, "We’re trying to open different opportunities sa mga new talents, sa mga young talents. Kasi ako, may advocacy rin ako to share and mas ma-nurture pa yung mga talents na ganito... na maipakita na mahusay ang mga performers na Pinoy, na talagang grabe ang talent."


Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Julian Trono tungkol sa sinabi ni Rita Daniela sa isang panayam na nanligaw siya noon sa Kapuso actress-singer.

Read: Rita Daniela confirms Julian Trono courted her

Sabi ng 17-year-old dancer-actor, “Reaksiyon? Siguro kasi naging sobrang close din kami ni Rita before, and wala naman.

“Ewan ko, siguro… hindi naman, maybe na-mis ano niya lang, na-mis… ow will I say it?”

Na-misinterpret?

“Hindi na-misinterpret! No, no, no!

"Ayoko ng ganung word, ayoko ng may nagde-deny, e, so let’s just say na…”

Na-misunderstood?

“Hindi, ayoko ng misunderstood, sabihin na lang nating naging sobrang close din kami.

"Kasi nga, kami-kami din yung mga performers sa Party Pilipinas before.

“Of course, nagkaroon kami ng sobrang bonding talaga, siguro baka naano niya lang yung…

“Hindi misunderstood, e, hindi ko alam... pero we’re good friends now.”

Masasabi ba ni Julian na naging iba ang naging pakahulugan ni Rita sa closeness nila?

“Hindi pa din, ayoko rin ng word na yun!” natawang sabi ng binata.

“Siguro na-mix-up din… kasi kung niligawan ko siya tapos medyo hindi naging okay, dapat hindi kami friends ngayon.

“E, sobrang friends pa rin naman kami so, yeah, walang something.”

Yes or no, niligawan ba niya si Rita?

“I can’t answer that. Ayoko ng yes or no!” at muling natawa si Julian.

Ulit namin, niligawan ba niya si Rita?

“Yes or no din ang isasagot dun, e!” at muli siyang tumawa.

Ano ang tawag sa kung anumang namagitan sa kanila ni Rita?

“Naging... let’s just say naging sobrang close kami and… lahat naman, e.

“Meron ding isyu before naman sa iba, ‘di ba, so let’s just say na naging close.

“Yun na lang, walang yes, walang no, basta naging close.”

TO THE TOP. Sa kabilang banda, ikinatutuwa ni Julian na siya ang napiling host sa webshow na To The Top, ang pinakaunang boy band search na mapapanood din sa GMA Network tuwing Sabado at Linggo simula sa July 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sobrang na-excite daw siya na sa dami ng artists na puwedeng mag-host ay siya ang napili ng Kapuso network.

“Opo, yun nga, sa dami ng artists and, pangalawa, parang isa talaga yun sa mga…

“Before, 'di ba po, sa Tropang Potchi, sobrang nahasa din kahit papaano yung hosting ko.”

Kilala bilang artista, dancer, at recently ay isang mala-K-Pop na singer si Julian.

Sabi pa niya tungkol sa bago niyang trabaho, “So, parang it’s about time naman na i-try ko itong different field naman, and yun.

“I think sobrang nag-complement naman lahat, naging okay.

"And yung mga boys, kumbaga, talent performers din, so talagang nag-complement, nag-match lahat.”

Paliwanag pa niya, “Yung sa Internet kasi, very ano na tayo ngayon sa social media, very interactive na.

“So, sa mga webisodes makikita nila yung mga insights, yung sa mga boys kung ano yung ginagawa nila.

“Kung paano sila nagte-training, stuff and all that, iyon ang aabangan nila.”

BACK TO THE TOP. Araw-araw mapapanood ang mga To The Top webisodes, ayon kay Julian.

“Naglalabas lagi ng mga bagong webisodes, anytime, mag-online sila, check lang nila sa www.facebook.com/GMAToTheTop.”

Maaari rin daw bisitahin ang twitter.com/GMAToTheTop at instagram.com/GMAToTheTop.

Sabi pa ni Julian, “Mas ano yun, e, parang kung mas get-to-know-more sila, mas andun, e.

“Kasi yung mga performance, iyon yung ipapalabas sa TV, so iyon din ang dapat nilang abangan lahat talaga.”

Sa pagpasok ng To The Top, hindi ba nag-aalala si Julian na madadagdagan na naman ang artists na “mag-aagawan” sa trabaho sa GMA?

Sagot niya, “Hindi naman, kasi we’re trying to open different opportunities sa mga new talents, sa mga young talents.

“Kasi ako, may advocacy rin ako to share and mas ma-nurture pa yung mga talents na ganito.

“Na maipakita na mahusay ang mga performers na Pinoy, na talagang grabe ang talent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, let’s own each other’s space naman, so ayos... meron naman kayong mga space, meron sila, meron ako.

“Everyone will own their own space, kumbaga.”

Na-meet na raw ni Julian ang mga contestant sa To The Top nung medyo marami pa ang mga ito.

Sabi niya, “Dun ko nakita yung mga different potentials.

“And nakakatuwa dahil andito [sa Top 18] yung mga sabi ko na may potential.”

Ang mga ito ay sina Edric Ulang, Bryan Olano, Adrian Pascual, AJ Ajrouche, Miko M, Martin de Vera, Mico C., Luis Gragera, Ken Carpena, MJ Magno, Lance Busa, JP Palanca, Joshua Jacobe, Louie Pedroso, at ang wild cards ay sina Cholo dela Cruz; Seph Manlapaz, Lharby Policarpio, at Chris Yumang.


Main judge ng To The Top si Mr. Ryan Cayabyab.

Vocal coaches naman sina Moy Ortiz, OJ Mariano, at Sweet Plantado ng The Company.

Choreographers naman ang Philippine All Stars (D’ Crew) na sina Prince Paltu-Ob, Madelle Enriquez-Paltu-Ob, at Jesse “Reflex” Gotangco.

Sound Squad (musicians, arrangers, and sound engineers) naman sina Jonathan Ong, Chino David, Brian Lotho, Chris Anthony, at “Tony V” Vinzons.


CAREER UPDATE. Kumusta naman ang K-pop career ni Julian?

“Okay naman, actually ngayon we’re working out with new music.

“Medyo nag-take time lang ako this time around, gusto kong mas maging hands-on.

“And meron akong insights dun sa kanta, hindi lang sa Korean… kumbaga meron akong personal touch with the music.

“So, iyon ang dapat nilang abangan very soon, this year.”

Wala muna raw siyang bagong music video dahil naka-focus sila sa pagbuo ng isang buong album.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN