Derek Ramsay hoping for "happy ending" with girlfriend Joanne Villablanca

Derek Ramsay on relationship with girlfriend Joanne Villablanca: "We’re just being comfortable with each other. Walang kakiyeme-kiyeme na kailangan ganito tayo. We’re very comfortable around each other and we’re very natural around each other. And that’s what I like about the relationship. There’s no weight on my shoulders, there’s no pressure."


Umaasa si Derek Ramsay na magiging lucky in love na siya ngayong 2015.

Tila iyon na lang daw kasi ang kulang sa buhay niya dahil pagdating sa ibang bagay, lalo na’t matagumpay at masaya na siya sa kanyang career.

Masaya naman daw siya sa piling ng bago niyang non-showbiz girlfriend na si Joanne Villablanca kaya ang wish niya ay huwag naman sana itong ma-jinx.

Saad ni Derek, “Right now, I’m very, very happy, so huwag nating i-jinx.

“Sana yung 2015, ‘eto na yung taon na all my lucky stars will align.

“All my life I’ve been very blessed, iyon [successful relationship] na lang yata ang kulang ko.

“So, I’m hoping for that na mag-align na yung mga lucky stars ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek sa presscon ng pinagbibidahan nila ni Jasmine Curtis-Smith na Season 4 opener ng TV5 mini-series, ang Wattpad Presents Unwanted Girlfriend, na mapapanood mula July 20 hanggang 31.

Ginanap ang presscon nitong Martes ng tanghali, July 14, sa Mario’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Pagdating sa kanyang lovelife, bakit bukambibig niya ngayon na sana hindi ma-jinx?

Paliwanag ni Derek, “Sana hindi ma-jinx… you know, my past relationship, six years, and then it didn’t go and have a happy ending.

“So, I want this to have a happy ending.

“Meaning to say, ano na ito, panghabambuhay na talaga, di ba?

“It’s very hard with me balancing my schedule, balancing time with my family and her.

“But the great thing here is she’s understading of what I do, she gets along with my family, and she’s very patient.

“So, sana maging happy ending.”

ENJOYING EACH OTHER’S COMPANY. Paano ide-describe ni Derek ang relationship niya with Joanne?

“Well, we’re very much enjoying each other’s company.

“We’re very much intrigued by one another, we’re always asking questions that get to know who we are.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And every now and then, we get to travel a little bit.

“She supports the stuff that I like to do. Lumaban ako sa Vietnam [for Frisbee], sumama siya.

“And I can see the sincerity that she’s really interested in what I do.

“So, it’s not like girlfriend-boyfriend duties na kailangan nandito ako dahil girlfriend ko siya or boyfriend ko siya, di ba?

“Parang when I see her, I really feel that she really wants to be there,” sabi ni Derek.

Game na game daw ang girlfriend niya sa lahat ng adventures nila together.

“Walang kaarte-arte sa katawan. Walang kakiyeme-kiyeme.

“Akyat kami ng Mt. Pulag kasama ang pamilya ko and she thoroughly enjoyed it, I thoroughly enjoyed it.”

Hindi rin nga sila nahihiya to express their love sa isa’t isa, kahit on cam or on television pa, katulad noong naging co-host niya si Joanne sa isang episode ng Extreme Series, kung saan pareho silang umakyat sa mataas na crane.

Pagkatapos kasing makumpleto ni Derek ang challenge ay matinding halik ang ibinigay sa kanya ng girlfriend, na napanood ng lahat.

Sabi ng actor-TV host, “Iyon na nga, e, we’re just being comfortable with each other.

“Walang kakiyeme-kiyeme na kailangan ganito tayo.

“We’re very comfortable around each other and we’re very natural around each other.

“And that’s what I like about the relationship.

“There’s no weight on my shoulders, there’s no pressure.

“And she has a wonderful daughter, who I love to be with.”

JOANNE’S DAUGHTER. Speaking of Joanne’s daughter, pitong taon na raw ang bata na nangngangalang Sophie.

“She’s so cute. Mahilig kumanta at sumayaw.”

Masayaw raw si Derek nang ipakilala ni Joanne si Sophie sa kanya.

“Some women would be very hesitant to introduce their daughter or son to their partner kasi nga, you know, you have to be very considerate to both sides.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But she’s not like that, she introduced her daughter to me.”

Mas okay ba yung setup nila na pareho na silang may anak? Si Derek kasi ay may 13-year-old son na nagngangalang Austin.

Tugon niya, “Wala namang problema sa setup. I fell in love with her, she fell in love with me.


“That’s part of who I am, and that’s part of who she is.

“There’s nothing wrong kung meron na siyang daughter.


“For me, it’s not less attractive. For me, it’s more attractive.

“It gives a woman a more sense of responsibility and I like how she balance her time for her daughter and for me.

“Hindi lang puro ako lang, di ba?"

Nakapag-bonding na ba sila ni Sophie?

“Yeah, yeah, all the time.”

Ano ang usual bonding nila?

Sabi ni Derek, “They come over and we watch movies together. I brought them to Ocean Adventure sa Subic.

“Bumisita na rin siya sa isang shoot ng isang endorsement ko. Nakita ko siya two days ago.”

Ano ang tawag ni Sophie sa kanya?

“Tito Derek.”

GIRLFRIEND NOT JOINING SHOWBIZ. Natanong na ba niya si Joanne kung gusto nitong pumasok sa showbiz?

Ayon kay Derek, “I think sa acting, hindi. But she does commercials.


“She’s a commercial model for PAL, Philippine Airlines. Ang dami niyang commercials.”

Pareho rin daw silang mahilig mag-workout.

“Grabe ‘yon, araw-araw nagwo-workout ‘yon.”

Magkasundo rin daw sila pagdating sa pagkain.

“Mahilig ding kumain, grabe kumain! Kahit ano kinakain. May sweet tooth.


“Pag magkasama kami, it’s either workout or kain.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN