Rhap Salazar surprised by reaction to his tweet on artists who lip sync

Singer Rhap Salazar says he respects the opinion of others who react both favorably and otherwise to his take on the practice of lip syncing in the entertainment industry.


“Don’t worry, I’ll answer your questions soon.”

Ito ang tweet ni Rhap Salazar noong Lunes, July 13, hinggil sa paglaki ng isyu ng tweet niya kamakailan tungkol sa mga artistang nagli-lip sync kapag nagpe-perform sa telebisyon.

Nagsimula ang isyu nang mag-tweet si Rhap noong July 5 ng: “I hate seeing artists lip-synching on TV.”

Sa palitan ng tweets niya sa kanyang mga kaibigan, natalakay rin ang pagkakaroon ng album ng mga artistang non-singers kumpara sa mga lehitimong singers na hindi nabibigyan ng pagkakataon.

Read: (UPDATED) Rhap Salazar clarifies he's not referring to James Reid and Nadine Lustre in his tweet about artists who lip-sync on TV

Lalong lumaki ang isyu nang magbigay ng kanilang opinyon tungkol sa isyu ang ilang personalidad mula sa industriya.

Kinampihan si Rhap ni Gary Valenciano at ang anak nitong si Gab, at si Guji Lorenzana.

Inalmahan naman ni Vice Ganda ang tweets ni Rhap. Gayundin ang King of Talk na si Boy Abunda.

Aminado si Vice na hindi siya isang lehitimong singer subalit nabigyan siya ng pagkakataong gumawa ng music albums.

Maging si Lea Salonga ay nagbigay ng kanyang opinyon tungkol sa isyu.

Read: Vice Ganda, Lea Salonga speak up on issue about non-singer celebs getting music albums


RHAP DEFENDS HIMSELF. Nagpaalala rin si Rhap sa mga tao tungkol sa kanyang tweet.

Aniya: "Whoa! The issue's getting massive. Chill people. It's just a tweet ;)

Lumabas naman ngayong Miyerkules sa ABS-CBN News Online ang panayam ng ABS-CBN North America News Bureau kay Rhap hinggil sa lumaking isyu na ito.

Nasa Amerika ngayon si Rhap bilang bahagi ng mentoring team sa kinatawan ng Pilipinas sa World Championships of Performing Arts (WCOPA).

Naging junior champion si Rhap sa nasabing international competition noong 2009.

Sabi ng 19-year-old singer, "In-explain ko lang yung side ko as a singer.

"Sa mga tao po na nagtanggol, hindi naman 'kumampi,' kumbaga pareho kami ng pananaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Happy naman po ako kasi kung ano man ang na-feel ko as a singer, na-feel din nila."

Natanong din si Rhap kung ano ang masasabi niya sa mga bumatikos sa kanyang naging tweet.

“Kanya-kanya naman tayo ng opinion. Sa mga bashers and other negative comments, I'm open-minded na intindihin lahat," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN