Sandiganbayan finds probable cause on graft case against OMB Chairman Ronnie Ricketts; arraignment is set on July 23

Ayon sa Sandiganbayan, may basehan upang simulan na ang paglilitis sa graft case na isinampa ng Office of the Ombudsman laban kay OMB Chairman Ronnie Ricketts. Kaugnay pa rin ito sa raid ng OMB operatives sa Quiapo noong May 27, 2010.


Nakahanap ng sapat na basehan ang Sandiganbayan Fourth Division upang simulan na ang bista ng kasong isinampa ng Office of the Ombudsman laban kay Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts.

Ayon sa ulat na inilabas ng GMA News Online ngayong araw, July 15, itinakda ang unang hearing ng kaso ni Ronnie sa July 23.

Ang graft case na isinampa laban kay Ronnie ay may kinalaman sa raid na isinagawa ng OMB sa Sky High Marketing Corporation noong 2010.

Noong May 27, 2010 ay nag-raid ang mga operatiba ng OMB sa Quiapo, partikular na sa Sky High Marketing Corporation, kung saan nakakuha sila ng 127 boxes at dalawang sako ng pirated DVDs at VCDs.

Dinala sa opisina ng OMB ang confiscated items pero inilabas din ito kinagabihan mula sa nabanggit na lugar.

Ayon sa resolusyon ng korte: "After a judicious, personal and independent review of the record... the Court finds that probable cause exists for the issuance of the corresponding warrant of arrest against the accused.”

Pero nilinaw ng korte na hindi na sila maglalabas ng warrant of arrest laban sa OMB Chairman dahil naglagak na ito ng piyansa noong June 26.

Bukod kay Ronnie, kasama rin sa sinampahan ng kaso ng Ombudsman sina OMB executive director Cyrus Paul Valenzuela, EID head Manuel Mangubat, EID investigation agent Joseph Arnaldo, at EID computer operator Glenn Perez.

Nakapagpiyansa na rin sina Mangubat, Arnaldo, at Perez kaya hindi na rin maglalabas ng arrest order ang Sandiganbayan sa kanila.

Hindi pa nagpiyansa si Valenzuela kaya maglalabas ang korte ng warrant of arrest para sa kanya.

Sa mga naunang pagkakataon, nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Ronnie para sa kanyang panig ngunit tikom ang kanilang kampo.

Sa kabila nito, mananatiling bukas ang PEP sa panig ni Ronnie at iba pang pangalang nabanggit dito sa artikulong ito.



Read: OMB Chairman Ronnie Ricketts posts bail to avoid arrest over graft case

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN