Gerard Salonga on discussion sparked by Rhap Salazar’s tweet: “Please lang, walang pikunan...”

Musical director Gerard Salonga approves of the discussion sparked by Rhap Salazar’s tweet, but reminds that there is no need to take the comment on non-singers personally.


Nagbigay rin ng kanyang opinyon ang musical director at conductor na si Gerard Salonga kaugnay ng pinag-uusapang tweet ni Rhap Salazar tungkol sa mga artistang nagli-lip sync sa telebisyon.

Natalakay rin sa mga tweet ni Rhap ang pagkakaroon ng music albums ng mga artistang hindi lehitimong singers, samantalang hindi gaanong nabibigyan ng pagkakataon ang ibang lehitimong singers na magka-album at ipamalas ang kanilang singing talent.

Read: (UPDATED) Rhap Salazar clarifies he's not referring to James Reid and Nadine Lustre in his tweet about artists who lip-sync on TV

Base sa tweet ng 41-anyos na musical conductor at nakababatang kapatid ni Lea Salonga noong Martes, July 14, pabor siyang nagkaroon ng talakayan dahil sa tweet ni Rhap pero hindi naman daw kailangang magkaroon ng pikunan dahil dito.

Bukod sa pagiging mainit na diskusyon sa social media, may mga personalidad ding nagbigay ng kanilang opinyon tungkol sa isyu; kabilang na rito sina Lea, Vice Ganda, Boy Abunda, Gary Valenciano, Gab Valenciano, at Guji Lorenzana.

Hati ang naging opinyon ng mga tao tungkol dito.

May mga sumang-ayon dahil sa pagbibigay raw ng pagkakataon sa mga non-singers na artista na gumawa ng alam, kawalan naman ito para sa lehitimong singers.

Kabilang sa mga sumang-ayon kay Rhap sina Guji, Gary V., at Gab.

Related articles: Gary Valenciano defends Rhap Salazar comment against non-singers: “I think he has the authority to say it.”

Pinaboran naman nina Vice at Boy na mabigyan ng pagkakataon ang mga artistang non-singers.

Related articles: Boy Abunda slams Rhap Salazar’s tweet about artists lip-syncing on TV: "Ano ba ang ginagawa nilang tama na hindi mo ginagawa?"

Vice Ganda, Lea Salonga speak up on issue about non-singer celebs getting music albums

May isang netizen naman ang sumang-ayon kay Gerard sa pagbibigay ng opinyon at tungkol sa pagre-react dahil guilty ito.

Sabi naman ni Gerard tungkol dito, “Ika nga eh bato bato sa langit, pero ang tamaan wag magalit :-)”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, “Lahat po ng kasali sa industriya pwedeng ma-guilty doon eh, miski ako...pero pwede naman matinong diskusyunan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN