Jiro Manio’s brother on troubled actor: “Sana ayusin niya ang sarili niya para yung mga tumutulong sa kanya matuwa.”

Anjo Santos on brother Jiro: "Sana ayusin niya ang sarili na para maging maayos ang buhay niya, para yung mga tumutulong sa kanya matuwa, 'tsaka maging maayos din siya."


Umaasa ang nakababatang kapatid ng dating child star na si Jiro Manio na maayos ang kinakaharap na problema ng kanilang pamilya at ang kalagayan ng kanyang kuya.

Sa isang panayam kay Anjo Santos, sinabi nitong maayos naman ang kalagayan ngayon ng kanyang kapatid matapos maibalita ang pagpapalaboy-laboy ni Jiro sa NAIA Terminal 3.

Read: (UPDATED) Former child actor Jiro Manio found wandering at NAIA Terminal 3

“Okay naman po siya. Siguro medyo nagkaroon lang kami ng problema. Pero sana maging maayos po ang problema kung anuman po yung kinakaharap namin ngayon at ang kapatid ko,” ani Anjo sa panayam sa kanya ni Ahwel Paz para sa “Showbuzz” segment ng dZMM nitong Lunes, July 20.

Kuwento pa ni Anjo, close silang magkapatid at madalas silang magkasama noon.

Si Anjo rin ang sumundo kay Jiro sa airport noong July 1.

Mayroon ding payo si Anjo sa kanyang kuya, lalo pa’t maraming mga artista ang gustong tumulong dito; kagaya nina Ai-Ai delas Alas, Marvin Agustin, at Carlo Aquino.

“Gusto ko pong sabihin sa kanya na magbago siya kasi maraming gustong tumulong sa kanya.

“Tsaka sana ayusin niya ang sarili na para maging maayos ang buhay niya, para yung mga tumutulong sa kanya matuwa, 'tsaka maging maayos din siya.”

Ganito rin ang pakiusap ng foster father ni Jiro na si Andrew Manio sa interview nito sa StarTalk noong July 4.

Read: Jiro Manio's father tells the former child star: “Anak, sana tulungan mo naman ang sarili mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN