Camille Prats and VJ Yambao set their wedding in 2017

Ayon kay Camille Prats, ang akala niya ay isang family gathering ang pupuntahan niya sa kanilang resort farm sa Batangas noong Sabado, July 18. Pero hindi alam ng aktres na doon na pala magpu-propose ang non-showbiz boyfriend niyang si VJ Yambao.


Pagkatapos ng ginawang proposal ni John "VJ" Yambao sa Kapuso actress-TV host na si Camille Prats noong Sabado, July 18, sa Balete, Batangas, ang wedding date naman nila ang gustong malaman ng marami.

Read: Camille Prats is now engaged to non-showbiz boyfriend VJ Yambao

Ayon sa engaged couple, sa 2017 pa magaganap ang wedding nila. Pero ngayon pa lang daw ay unti-unti na nilang inaasikaso ito.

Ito ang magiging ikalawang pagpapakasal ni Camille pagkatapos niyang mabiyuda sa una nitong mister na si Anthony Linsangan, na sumakabilang-buhay noong 2011 dahil sa nasopharyngeal cancer.

Sa interview ng newly-engaged couple kay Aubrey Carampel para sa GMA news program na 24 Oras kagabi, July 20, kinuwento ni Camille ang kanyang naramdaman nang sorpresahin siya ni VJ sa ginawa nitong proposal.

Ayon kay Camille, ang alam niya ay isang family gathering ang pupuntahan niya sa kanilang resort farm sa Batangas.

Hindi alam ng aktres na kasabwat ni VJ ang kanyang kuya na si John Prats, ang misis nitong si Isabel Oli, at ilan pang mga malalapit na kaibigan nila sa sorpresang nakahanda para sa kanya.

Kuwento ni Camille, “Pagbaba ko, nakita ko yung sister ko na nakatayo sa may mahabang aisle.

“Tapos nakaipon yung mga tao... 'Bakit ganito ang hitsura nila?'”

Pagkatapos ay pinaupo raw siya sa isang silya at may nakahanda nang surprise video na pinanood nilang lahat.

Nang matapos ang video presentation ay doon na ginawa ni VJ ang kanyang proposal kay Camille.

Pero bago nag-propose si VJ ay hiningi muna nito ang blessing mula sa buong pamilya ni Camille, lalo na ang ama nito na si Mr. Daniel Prats.

Sabi ni VJ kay Camille, “Naging emosyunal ako kay Daddy. Ikaw kasi yung prinsesa nun.”

Ang importante raw kay Camille ay aprub si VJ sa kanyang anak na si Nathan.

Naging close na raw si VJ kay Nathan mula noong magkaroon sila ng relasyon noong 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nga raw inaasahan ni Camille na muli siyang mabibigyan ng pagkakataon na umibig ulit.

Pero ipinagdasal daw niyang may tamang lalaki na darating sa kanyang buhay na mamahalin siya, pati na ang anak nila ng kanyang yumaong mister.

“I really had to make sure na sigurado na ako sa kanya,” nakangiting sabi ni Camille.

Magkaklase sina Camille at VJ sa OB Montessori noong nasa elementary pa lang sila.

Naka-base na sa U.S. si VJ nang muli silang nag-reconnect ni Camille via Facebook.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN