Detained Senator Jinggoy Estrada hopes to visit ailing mother-in-law in hospital

An excerpt from Senator Jinggoy Estrada's request for furlough from Sandiganbayan Fifth Division: “Accused-movant wishes to see and visit his mother-in-law Ms. Estelita Vitug and to be with his wife, for marital support, and the family of the Vitugs, at this critical condition of their mother."


Naghain ng mosyon sa Sandiganbayan Fifth Division si Senator Jinggoy Estrada na naglalayong pahintulutan siyang bumisita sa kanyang biyenan na naospital matapos dalawang beses ma-stroke.

“Accused-movant wishes to see and visit his mother-in-law Ms. Estelita Vitug and to be with his wife, for marital support, and the family of the Vitugs, at this critical condition of their mother,” saad sa isang bahagi ng mosyon ng kampo ni Senator Jinggoy, na nailathala sa GMA News Online ngayong araw, July 22.

Kasalukuyang naka-confine sa Intensive Care Unit (ICU) ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City si Estelita, na kritikal ang kundisyon matapos nitong ma-stroke kahapon, July 21, at noong Linggo, July 19.

Kaugnay nito, nais sana ng senador na panandalian siyang makalaya ng tatlong oras mula sa pagkakaditena sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center upang personal na makita ang lagay ng kanyang biyenan sa ospital.

Ngunit inalmahan ito ng prosekusyon dahil wala umanong sapat na basehan na magpapatunay tungkol sa emergency situation na kinahaharap ng biyenan ng senador.

Lalo pa’t wala umanong kalakip na medical certificate ni Estelita ang mosyong isinumite ni Senator Estrada sa Sandiganbayan.

Bunsod nito, inatasan ni Associate Justice Roland Jurado ang legal counsel ng senador na si Atty. Noel Malaya na magsumite ng medical certificate ni Estelita ngayong araw.

Matatandaang minsan nang pinayagan ng Sandiganbayan Fifth Division si Senator Estrada na lumabas ng PNP Custodial Center upang dumalo ng high school graduation ng kanyang anak na si Julian Estrada, na ginanap sa O.B. Montessori sa San Juan City noong March 17.

Read: Detained Senator Jinggoy Estrada attends graduation ceremony of son Julian

Kasalukuyang nakaditena si Senator Estrada sa PNP Custodial Center, na matatagpuan sa Camp Crame, Quezon City, mula noong June 23, 2014 dahil sa kasong plunder.

Ito ay sa kadahilanang nakatanggap diumano ang senador ng kickback na nagkakahalaga ng P183.79 million mula sa pakikipagsabwatan nito sa itinuturong pork barrel scam mastermind na si Janet Lim-Napoles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN