Senator Jinggoy Estrada allowed to visit ailing mother-in-law in hospital

Kinatigan ng Sandiganbayan Fifth Division ang mosyon ni Senator Jinggoy Estrada na bisitahin ang kanyang biyenan na naka-confine sa St. Luke's Medical Center sa Quezon City sa ngalan ng "humanitarian considerations."


Kinatigan ng Sandiganbayan Fifth Division ang mosyon ng kampo ni Senator Jinggoy Estrada na panandaliang makalaya ang senador mula sa pagkakaditena upang personal na bisitahin ang biyenan niyang si Estelita Vitug.

Ito ay sa kadahilanang kritikal ang kundisyon ni Estelita na naka-confine sa Intensive Care Unit (ICU) ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City, matapos dalawang beses ma-stroke ngayong linggo.

Read: Senator Jinggoy Estrada hopes to visit ailing mother-in-law

Base sa ulat na nailathala sa dZBB Super Radyo Twitter account kahapon, pinayagan si Senator Jinggoy ng anti-graft court na mabigyan ng tatlong oras na furlough sa ngalan ng pagiging makatao.

Sen. @jinggoyestrada1, pinayagan ng Sandiganbayan na pansamantalang makalabas ng PNP Custodial Center para dalawin ang biyenang may sakit.

— DZBB Super Radyo (@dzbb) July 22, 2015

Ayon pa sa resolusyon ng Sandiganbayan hinggil dito, 9 A.M. hanggang 12 noon ang ibinigay na palugit kay Senator Jinggoy para sa pagbisita niya sa biyenan na naka-confine sa St. Luke’s.

Ang senador din ang pinagbayad ng lahat ng ginasta para sa kanyang paglabas at pagbalik sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City, kung saan siya nakaditena.

Sen. Jinggoy Estrada, sakay ng private van patungo ng St. Luke's Med. Ctr. para dalawin ang biyenan. | via @Rodveg72 pic.twitter.com/lChF5ObmEx

— DZBB Super Radyo (@dzbb) July 23, 2015

Minsan nang pinayagan ng anti-graft court si Senator Jinggoy na makalabas ng detention cell nito upang dumalo sa high school graduation ceremony ng anak niyang si Julian Estrada noong March 17.

Si Senator Estrada ang isa sa tatlong senador na nakasuhan ng plunder matapos masangkot sa diumano’y pagkamal ng pondo mula sa Priority Development Assistance Funds (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel. Ang dalawa pa ay sina Senators Juan Ponce Enrile at Bong Revilla.

Nagkakahalaga diumano ng P183.79 million ang natanggap na kickback ni Senator Estrada mula sa pakikipagtransaksiyon niya kay Janet Lim-Napoles.

Si Janet ang negosyanteng nagmamay-ari ng JLN Corporation, na diumano’y nangangasiwa ng pagtayo ng pekeng non-government organizations (NGOs) na tumatanggap ng pondo mula sa PDAF ng mga sangkot na mambabatas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN