Luis Manzano to basher: “Don’t impose what you believe is someone’s sexual preference.”

Luis Manzano on basher: "Ako, sumagot lang naman ako. Pero teacher siya ng mga bata. So, yung mga salitang binitawan niya, isipin ninyo yun."


Marami ang nagulat nang patulan ni Luis Manzano ang isang basher, na may twitter account name na @ABalauro, kahapon, July 22.

Napikon ang Kapamilya TV host-actor nang tinawag siyang "bakla" ng nasabing basher.

Dito ay nagkasunud-sunod na ang palitan ng maaanghang na tweets ng dalawa.

Read: Luis Manzano fights back against basher who called him "gay" on Twitter

Nang subukan naming buksan ang account ng nasabing basher ay hindi na ito nabubuksan at mukhang dineactivate na ito ng may-ari.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Luis sa set ng Kapamilya Deal Or No Deal kagabi, July 22, ipinaliwanag ng TV host kung bakit pinatulan niya ang nasabing basher.

Saad niya, “Ako, don’t impose what you believe is someone’s sexual preference.

"Ako, if you’re a gay, then you’re gay, but don’t impose what you believe is someone’s preference on another person."

Nalaman din daw ni Luis na ang naturang basher ay isa palang guro.

"Nagkataon na yung basher na yun is a teacher. Ganun ang mga salitang sinasabi niya.

“Ako, sumagot lang naman ako.

"Pero teacher siya ng mga bata.

"So, yung mga salitang binitawan niya, isipin ninyo yun. Ganun ang mga nakakasama ng mga anak ninyo sa school.

"Ako, nananahimik ako."

BASHER'S ADVANTAGE. Kadalasan daw ay hindi pumapatol si Luis sa bashers, pero natiyempong nasa mood daw siyang sumagot kahapon.

“Ako, para sa akin, it’s a mental exercise.

"I mean, habang sumasagot ako, natatawa ako.

“Alam ninyo yung parang ganun sa hirit ko. Bored ako sa bahay nung time na yun.

"May days na wala ako sa mood sumagot, iba-block ko na lang.

“May days naman na, sige, game tayo.

"Kasi 'yang mga bashers na 'yan, they only have two weapons lang naman.

"'Yan lang naman ang panlaban nila—anonymity and computer screen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, 'di mo alam ang totoong pangalan nila, e, 'di mo alam ang identity nila.

"At least kanina, alam ko ang pangalan niya, ang trabaho niya.

“Nakita ko ang status niya... O, teacher siya."

Patuloy ni Luis, "Yun ang advantage ng basher. Hindi natin malalaman kung sino sila, e.

"Di para mo na ring sinabi na nakatalikod ka, may babatok sa iyo. Pagtingin mo, maraming tao. Hindi mo alam kung sino.

"Hindi katulad ng mag-one-on-one tayo. Ibang usapan ‘yan."

FREEDOM OF EXPRESSION. May ilang nagtatanong naman kung bakit pinatulan pa ni Luis ang nasabing basher, at pinaratangan pa siyang “patola” ng iba.

Saad niya, “Hindi ako naniniwala dun sa pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay o kaya turn the other cheek.

"Hindi ako naniniwala sa ganun.

“Panindigan mo lahat ng actions mo.

"The reason kasi kaya uso ang mga ganyan, people kasi are no longer responsible for the things they say.

“Naniniwala sila, basta masabi nila kahit nakatago sila sa isang anonymous account, they have every right to do that.

"Hindi naman ganun yun.

"Sabi nga ni George Clooney, if I’m not mistaken sa isang interview niya, yung mga forefathers daw na ipinaglaban yung freedom of speech, ang kasama dun is be responsible for the things you say.

"Hindi naman ipinaglaban ang freedom of speech para mag-hate ka, para mam-bash ka at magtatago ka rin naman.

"If I’m not mistaken, si George Clooney ang nagsabi nun.

“Even if there’s freedom of speech, you have to be responsible for the things that you say."

Patuloy pa ng Kapamilya star, “May nagsabi nga mayabang daw ako, pumapatol sa bashers.

"Hindi, nananahimik ako, e.

"Kung ako ang naghanap ng gulo, mayabang ako.

"Sumagot lang naman ako. Paano ako naging mayabang?"

May mensahe ring ibinigay si Luis para sa basher na pinatulan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You’re a teacher. Nandiyan ang mga bata around you. Isa ka sa mga influence ng mga 'yan.

“Maybe DepEd [Department of Education] can look into that.

"I’m sure may mga nakasunod din sa kanyang students niya, kung anu-anong words ang ginagamit niya.

“Ako, nananahimik ako.

"He chose to pick the battle. He chose to pick the fight.

"Hindi naman lahat ng beses mananahimik kami.

"Sabi ko nga, may ibang artista they choose to ignore or retaliate... I’m part of the latter."


ANGEL’S REACTION. Inakala ng iba na baka na-hack ang Twitter account ni Luis kahapon, pero sinabi ng anak nina Governor Vilma Santos at Edu Manzano na siya mismo ang sumasagot sa basher.

“Nakakatawa kasi akala ng iba na-hack yung account ko. Hindi po.

“Ako na mismo ang magsasabi that was all me.

"Lahat ng punchlines na yun sa akin nanggaling.

“I had a fun afternoon.”

Ano naman ang naging reaksiyon ng kasintahan niyang si Angel Locsin sa insidenteng ito?

Sabi ni Luis, “Wala. Kilala naman niya ako.

"Kahit mga supporters ko, alam nila na pumapatol ako.

“Yun naman ang ibinabato nila sa akin, ‘Yan si Luis, patola.’

"E, ganun talaga ako, e. Ganun ako pinalaki.

"Nagsimula ka ng gulo, e, di magsimula tayo ng gulo, e, di mas masaya.

"Hindi naman ako ang nagsimula ng away."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN