Vice Ganda warned not to repeat “gay bar show” in Cebu

Cebu City's local government compared recently-concluded Vice Ganda Gandang-Ganda Sa Sarili Sa Cebu concert to a “gay bar show.” Vice Ganda has yet to give a comment about this, but he posted this on Twitter the day after his concert: “Be who you really are. Not who they want you to be.”


Bagamat tapos na, usap-usapan pa rin ang naganap na concert ni Vice Ganda sa Cebu noong Linggo, July 19.

May ilang miyembro ng local government ng Cebu ang nadismaya sa Vice Gandang Ganda Sa Sarili Sa Cebu concert dahil sa umano'y pagiging mala-“gay bar show” nito.

Ayon sa ulat ng Cebu News Daily noong Martes, July 21, sinabi Cebu City Anti-Indecency Board (CCAIB) administrator Lucelle Mercado na nakatanggap siya ng feedback na parang “gay bar show” ang concert ni Vice dahil sa mga birong ginamit ng komedyante sa show.

Hindi man napanood mismo ni Mercado ang concert, sinabi niyang hindi dapat ganun ang klase ng show na ipinakita ng It's Showtime host.

Aniya, “That’s not allowed. We are strict about that. We can’t have those kinds of shows.”

Matatandaang nauna nang iniutos ng CCAIB na ipatanggal ang billboards para sa Vice Gandang Ganda Sa Sarili Sa Cebu concert na self-rated ng organizers bilang R-13 o restricted to mature audiences.

Read: Vice Ganda billboard ads taken down in Cebu City for being "sexually suggestive"

Sa kabila banda, nagbigay naman ng pahayag ang ABS-CBN Network tungkol sa isyu.

Ayon sa network: “ABS-CBN Events took all the necessary steps to inform the public that the Vice Gandang Ganda sa Sarili sa Cebu (E, ‘Di Wow) concert was intended for mature audiences.

“Those who watched the concert knew what they were in for.

“They love Vice Ganda and know his brand of humor.

“We thank the people of Cebu who watched and enjoyed the concert of Vice Ganda.”

DID VICE REACT? Dahil sa isyung ito, hindi naiwasan ng ilang followers ni Vice na isiping may kaugnayan sa isyu ang isa niyang Twitter post noong July 20.

Be who you really are. Not who they want you to be.

— jose marie viceral (@vicegandako) July 20, 2015

Sa kabila nito, lubos pa rin ang pasasalamat ni Vice sa lahat ng mga taga-Cebu na tumangkilik sa kanyang Vice Gandang Ganda sa Sarili sa Cebu concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

#ViceGandangGandaSaSarili Sold Out Concert in Cebu . Thank you so much Madlang Cebuanos!!! I felt so much LOVE!!!

A photo posted by Jose Marie Viceral (@praybeytbenjamin) onJul 20, 2015 at 1:28am PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN