KC Concepcion: "I'm dating but not exclusively."

Ayon kay KC Concepcion, ipinagdadasal niya ang susunod na magiging boyfriend niya. “Sabi nila na you have to pray for someone specifically, kasi gusto ni Lord na you have to write down or pray to Him kung ano exactly yung gusto mo.”


Inamin ni KC Concepcion na nakikipag-date siya ngayon, pero hindi raw exclusively.

Sa panayam ni Boy Abunda kay KC sa Aquino and Abunda Tonight nitong Huwebes, July 23, inusisa ang actress-TV host kung siya ba ang tipong naghihintay ng lalaking manliligaw sa kanya o siya mismo ang naghahanap.

Tugon ng 30-year-old Kapamilya star, “A, hindi po kasi ako nanliligaw ng lalaki.

“So, siguro po, I am waiting for the guy to come to me, pero nagpi-pray din ako. Super!

“Sabi nga nila, dapat specific yung pinagpi-pray mo.

"Kasi dati, sabi ko, ‘Lord, gusto ko ng mabait, ng mahal ang pamilya niya, guwapo. Gusto ko ng ganito, ganyan.’

“Hanggang sa, ‘Lord, gusto ko yung may castle.’

“Ganun po, tapos ibinigay ni God... as in.

"So, sabi ko, ‘Hanggang ba naman, Lord, sa castle ibibigay Mo sa akin?’

“And it’s true. Sabi nila na you have to pray for someone specifically.

"Kasi gusto ni Lord na you have to write down or pray to Him kung ano exactly yung gusto mo."

Tanong ni Boy: When you say this, when you prayed someone in a castle, are you talking in present tense?

Sagot ni KC, “A, matagal ko nang sila kilala, yeah.

“Pero hindi naman yun ang pinaka-important siyempre.

"I’m dating, pero not exclusively!”

Dagdag niya, “Pero I’m looking for someone na who will also look for me and pursue me.

“Kasi, I really think na women should be pursued and women should feel special and women should be taken cared of.

“Kasi, ibabalik naman ng babae yun, e.”

Ang huling naging boyfriend ni KC ay si Paulo Avelino.

Read: KC Concepcion breaks silence on breakup with Paulo Avelino


CHARITABLE KC. Bukod sa paglalagare sa kanyang showbiz commitments, abala rin si KC sa kanyang charitable works.

Tanong ni Boy: Why are you so charitable?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Seryosong sagot ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, “Siguro napi-feel ko lang kasi yung blessings ni God.

“Sabi nga nila, ‘Bakit nag-aartista pa si KC? Bakit ba niya kailangan magtrabaho, ganun?’

“Sabi ko... ayoko first of all na maramdaman ng ibang tao na parang ang taas-taas or whatever, na iisipin nila above someone, na nag-aral sa international school or sa ibang ano...

“Naisip ko, since exposed naman ako at nakikita ko...

"And when I got the opportunity to work for the World Food Programme, sila na rin mismo ang nagdadala sa akin sa Mindanao.

“And, actually, the first time na nag-mission kami sa Cotabato, hindi kami maka-landing kasi binomba yung runway namin.

“So, sabi ko, hindi lahat siguro magkakaroon ng lakas ng loob gawin ‘to.

"And I said na, maganda rin kung mag-reach out ka knowing kung ano rin yung mga nangyayari dun. Maraming takot.

“Sabi ko, 'Lord, I’m not gonna lose anything, take me there.'

“And it makes me feel na, you know, it’s nice to remind people, na mga youth na meron din silang magagawa sa mga kapwa-Pilipino nila.

“And as Filipino, siguro lagi tayong may baha, lagi tayong may mga calamities, parang maganda rin na nakahanap ako ng way to give back.”

MISCONCEPTION. Cover girl si KC ng isang magazine ngayong July. May nakasaad sa cover na mga salitang: “The queen of discipline and delinquency.”

Paliwanag niya tungkol dito, “Siguro, I’m a big ano... misconception.

“No one’s perfect. Marami rin akong mga mistakes, marami rin namang…

"Ako kasi, very curious, very… gusto ko lagi yung real... yung totoo lang.”

Which is more difficult: having celebrity parents or dating celebrities?

Tugon ni KC “Dating celebrities kasi may choice naman ako dun.

"So, kung magkamali man ako, or hindi siya nag-work out, e, ginusto ko yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat responsible lang.

"Pero I’m friends with all my exes, and actually love all of them.”

Having celebrity parents?

Sabi ni KC, “I love it. There are a lot of perks to it.

"Marami naman ding masi-share yung family namin na maganda, so it would be nice na maging inspiration lang po kami, na may magawa kami at ma-inspire yung ibang pamilya na nanonood, nakikita’t kilala kami.”

Paano niya idi-describe ang sarili niya in one word?

“In one word? Evolving,” sagot ni KC.

Paliwanag pa niya, “Nagtsi-change, naggu-grow, 'tsaka I wanna change with the time.

"Ayoko yung, parang alam mo yun, na parang masa-stop ka sa isang era ng buhay mo.

“Gusto ko yung, as things change, you adapt and you change with the time.

"You accept things you cannot change and then you just, you know, not just go with the flow, but you see how you can be valuable to the time that you were placed in."

Sa huli, sinabi ni KC na naghihintay pa rin siya kung ano ang kasunod na ibibigay na proyekto sa kanya ng ABS-CBN.

Nagpaabot din siya ng mensahe sa inang si Megastar Sharon Cuneta, na nakatampuhan niya kamakailan.

Aniya, “I wanna say hi to my mom who’s in L.A.

"Hi to my family... Frankie na magha-high school na. Si Miel na magmi-middle school na and Miguel.

"Mama, I miss you and I love you very much."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN