Annabelle Rama describes reconciliation with Ruffa Gutierrez: “Hindi galing sa puso.”

Annabelle Rama on “away-bati” relationship with daughter Ruffa Gutierrez: “Actually, she was five years old,'di na kami magkasundong dalawa. Ano gusto ko, ayaw niya. Ganun lagi."


Iniulat noong June na nagkaayos na si Ruffa Gutierrez at ang ina niyang si Annabelle Rama.

Nangyari ito sa kasal ng anak ni Annabelle na si Elvis, kapatid ni Ruffa, noong June 26.

Naging tulay si Elvis para magkabati ang kanyang ate at ina.

Ito raw kasi ang wish ni Elvis para sa dalawang importanteng babae sa kanyang buhay.

Read: Ruffa Gutierrez finally reconciles with mom Annabelle Rama at Elvis-Alexa wedding

Gayunpaman, sa ginanap na press conference ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez nitong Biyernes ng gabi, July 24, sinabi ni Annabelle na hindi pa buo ang pagbabati nila ni Ruffa.

“Hindi galing sa puso kasi ang pagbabati namin.

"Parang ang wish ni Elvis, magbati kami ni Ruffa, hindi talaga bati na talagang nangyayari. Parang basta bigla-bigla lang.”

Sundot naman ni Eddie Gutierrez na nasa tabi nig asawang si Annabelle habang ini-interview ng press, ganito raw ang naging senaryo ng mag-ina noong limang taong gulang pa lang si Ruffa.

pagkumpirma ni Annabelle, “Nagkataon lang na meron kaming reality show, lumalabas yung katotohanan.

“Actually, she was five years old, 'di na kami magkasundong dalawa. Ano gusto ko, ayaw niya. Ganun lagi.

“Mahilig siyang [Ruffa] magtatanong, ‘What do you think, Mommy?’ ‘Pangit, Ruffa.’ 'Yon, ikokontra niya yon.

“Gusto niya, masusunod siya.

“Iba nga ang batang ‘yan, e, kaya sabi ko, lagi kaming nag-aaway. Nagkataon lang na meron kaming reality show, nakikita talaga ang katotohanan.”

Hindi kasi boto si Annabelle sa karelasyon ngayon ng kanyang anak.

Pero sa likod ng away-bati nilang relasyon ng kanyang unica hija, ipinaliwanag ni Annabelle ang kanyang pinanggagalingan.

“Kasi pag namatay na ‘ko, ayokong… ano mangyari sa kanya? Hindi pa siya stable, kaya gusto ko talaga siya ihanda siya.

“Si Raymond [Gutierrez], okay na ‘ko, si Richard [Gutierrez], okay na ako.

“Si Ruffa, gusto ko talagang makakuha siya ng lalaki na makapag-support sa kanya at mga anak niya. Hindi naman habang buhay maganda siya,” paliwanag ni Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin nababahala si Annabelle kung isipin ng iba na gimik lamang nila ni Ruffa ang kanilang pag-aaway lalo pa’t sisimulan na ang third season ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez na eere ngayong Lunes, July 27, sa E!

“I really don’t care, ‘day, wala akong pakialam kung ano ang isipin sa amin, basta kami, ang ginagawa namin katotohanan.

“Hindi kami gumagawa ng gimik para pag-usapan.”

Pero tiniyak ni Annabelle na siguradong tututukan ng mga manonood ang kanilang reality show lalo pa’t ipapakita rito kung paano nagsimula ang tensiyon sa pagitan nilang mag-ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN