Gladys Reyes appeals for sobriety amid Iglesia Ni Cristo controversy

Gladys Reyes, a devout member of the Iglesia Ni Cristo, took to Facebook to air her sentiments about the ongoing controversy. An excerpt from her statement reads: “Sa aking mga katrabaho at "kaibigan" sa tunay na kahulugan ng salitang yun na hindi ko naringgan ng sarkastikong komento, na hindi agad-agad nanghusga, di nagpadama ng pagiging insensitibo, bagkus nagpaabot ng pagmamalasakit, simpatya at respeto sa aming nararamdaman kulang ang salitang salamat!!&rdq


Ilang oras mula nang mag-post ang kanyang mister (ang aktor na si Christopher Roxas) ng kanyang saloobin tungkol sa nangyayaring kaguluhan sa Iglesia ni Cristo (INC) sa kanyang Facebook account, nagkapalitan kami ng messages ni Gladys Reyes para hingin din dito ang statement niya sa nangyayari sa kanilang Iglesia, lalo pa nga’t ang nasasangkot ay ang mga lider nila at ang pinaka-pinuno sa lahat, ang pamilya Manalo.

Ang kontrobersiya sa INC ay nagsimula sa isang video ni Ka Angel, kapatid ng pinuno ng samahan na si Ka Eduardo Manalo. May voice recording ng kanilang ina na si Tenny Manalo na humihingi ng tulong dahil diumano'y nanganganib ang buhay nilang mag-ina at na-abduct daw ang isang ministro ng INC.

READ: Christopher Roxas stands by his faith amid Iglesia Ni Cristo corruption allegations

Nag-post si Gladys ng kanyang saloobin sa pamamagitan ng kanyang Instagram at Facebook account.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Gladys na mananatili siyang isang kaanib ng INC at mas lalong higit silang dapat manindigan at hindi manghina.

Nagpasalamat din siya sa mga katrabaho at kaibigan na hindi raw nanghusga, sa halip ay nagmalasakit at nagpadama ng simpatiya at respeto.

MESSAGE. Narito ang kabuuang mensahe ni Gladys.

“Ako'y Iglesia ni Cristo..

“Dahil sa kaabalahan sa teyping ng serye, pagrerebyu ng mga materyal sa telebisyon at pelikula bilang isa sa lupon ng MTRCB [Movie and Television Review and Classification Board], kabi-kabilang pulong bilang "executive producer" para sa aking programa, pirmahan ng kontrata para sa isang makabuluhang programa sa telebisyon at higit sa lahat oras para sa asawa at aking tatlong mga anak, ay hindi ako nagkaron ng pagkakataong maglahad ng aking saloobin ukol sa maituturing na pinakamalaking pagsubok sa INC.


“Sa aking mga katrabaho at "kaibigan" sa tunay na kahulugan ng salitang yun na hindi ko naringgan ng sarkastikong komento, na hindi agad-agad nanghusga, di nagpadama ng pagiging insensitibo, bagkus nagpaabot ng pagmamalasakit, simpatya at respeto sa aming nararamdaman kulang ang salitang salamat!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“Sa mga kapatid sa Iglesia, mas lalo tayong magpakatatag at pakahigpitan ang pagkapit sa doktrina at aral na tumimo sa ating puso, isip at kaluluwa. Mas lalo natin pagtibayin ang pundasyon ng ating pananampalataya.

“Sa mga ganitong panahon, wag tayong manghina, wag tayo manlupaypay, hindi kahinaan ang pagluha, iiyak natin lahat sa ating Panginoong Dyos sa pamamagitan ng panalangin, ang lahat ng hapis at suliranin.

“Pakatandaan po natin sa Diyos tayo naglilingkod at hindi sa tao.

“Ako'y Iglesia ni Cristo.. mananatili at maninindigan!!”

Ako'y Iglesia ni Cristo.. Dahil sa kaabalahan sa teyping ng serye, pagrerebyu ng mga materyal sa telebisyon at pelikula bilang isa sa lupon ng MTRCB, kabi-kabilang pulong bilang "executive producer" para sa aking programa, pirmahan ng kontrata para sa isang makabuluhang programa sa telebisyon at higit sa lahat oras para sa asawa at aking tatlong mga anak, ay hindi ako nagkaron ng pagkakataong maglahad ng aking saloobin ukol sa maituturing na pinakamalaking pagsubok sa INC. Sa aking mga katrabaho at "kaibigan" sa tunay na kahulugan ng salitang yun, maging hindi ko personal na kakilala, na hindi ko naringgan ng sarkastikong komento, na hindi agad-agad nanghusga, di nagpadama ng pagiging insensitibo, bagkus nagpaabot ng pagmamalasakit, simpatya at respeto sa aming nararamdaman kulang ang salitang salamat!! Sa mga kapatid sa Iglesia, mas lalo tayong magpakatatag at pakahigpitan ang pagkapit sa doktrina at aral na tumimo sa ating puso, isip at kaluluwa. Mas lalo natin pagtibayin ang pundasyon ng ating pananampalataya. Sa mga ganitong panahon, wag tayong manghina, wag tayo manlupaypay, hindi kahinaan ang pagluha, iiyak natin lahat sa ating Panginoong Dyos sa pamamagitan ng panalangin, ang lahat ng hapis at suliranin. Pakatandaan po natin sa Dyos tayo naglilingkod at hindi sa tao. Ako'y Iglesia ni Cristo.. mananatili at maninindigan!!

A photo posted by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes) onJul 25, 2015 at 9:25am PDT

Si Gladys, sampu ng kanyang buong pamilya bilang miyembro ng INC, ang isa sa mga artista na mula’t sapul ay kilala na sa kanyang relihiyon at pananampalataya bilang miyembro ng INC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN