Sen. Grace Poe on split screen with VP Jejomar Binay and Sec. Mar Roxas at SONA: "I felt very awkward."

While President Benigno Aquino III praised Interior Secretary Mar Roxas in his State of the Nation Address, Senator Grace Poe does not want to assume that PNoy has already chosen his successor for the Liberal Party who will run for President in 2016.


"Siyempre I wasn't expecting it.”

Ito ang reaksiyon ni Senator Grace Poe tungkol sa split screen nila nina Vice President Jejomar Binay at Interior Secretary Mar Roxas nang banggitin ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang tungkol sa susunod na liderato pagkatapos ng kanyang termino sa 2016.

Sina Poe, Roxas, at Binay ang tatlo sa pinakamatunog na pangalang tatakbo ng pagka-Pangulo sa 2016 national elections.

Sabi pa ni Senator Grace sa pagkaka-flash ng mukha nilang tatlo sa screen, "I felt very awkward.

"Para bang alam na nila kung saan kami nakaupo at nilabas na lahat dun."

Ipinakita ang split screen ng tatlong government officials nang talakayin ni PNoy sa kanyang speech ang kahalagahan ng pagboto sa kandidatong ipagpapatuloy ang “Daang Matuwid” na kampanya ng kanyang administrasyon pagkatapos ng termino niya.

Read: PNoy thanks Mar Roxas, other cabinet officials; takes a swipe at VP Jejomar Binay in SONA 2015

Ang nasabing split screen ay broadcast ng Presidential Staff Radio-Television Malacañang at lumabas din sa ibang TV networks, ayon sa GMA News Online.

Matagal nang ipinahayag ni Binay ang kanyang intensiyong tumakbo sa pagka-Pangulo, habang hindi pa nakakapagdesisyon si Poe kung tatakbo siya.

Samantala, matunog ang pangalan ni Roxas na posibleng maging standard bearer ng Liberal Party, lalo pa’t sa kanyang SONA ay pinuri ng Pangulo ang Interior secretary na tumakbo bilang Vice President niya noong 2010.

Sinabi naman ni Senator Grace na ayaw niyang mag-assume na may napilili nang ieendorso si PNoy dahil sa sinabi nito sa SONA.

"Mismong ang Pangulo ay wala namang binabanggit na maski na sino. Ayokong interpret-in yun."

Noong July 20, nag-tweet si Senator Grace at inaming nakipagpulong siya kay PNoy na tumagal ng limang oras.

Ito ang kanilang pangalawang meeting.

Unang nag-meeting sina Senator Grace at PNoy noong July 15, kung saan kasama rin nila sina Secretary Roxas at Senator Francis “Chiz” Escudero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinasabing isa sa mga tinalakay sa nasabing pagpupulong ay kung sino ang napipisil na tumakbo at maging standard bearer ng Liberal Party sa 2016 elections.

Sa kanyang tweets, sinabi naman ni Senator Grace na nagkasundo-sundo silang unahin ang pinakaimportante.

Sinabi pa ng senadora na isasaalang-alang nila ang boses ng nakararami kung sino ang pipiliin para tumakbong pangulo.

Maganda at maayos ang aming pag-uusap. Nagsimula kami ng mga alas-7 ng gabi (Wed, July 15) at tumagal hanggang lagpas ala-1 ng umaga.

— Grace Poe (@sengracepoe) July 15, 2015

Lahat kami ay sang-ayon na nakasalalay sa tamang liderato ang pagsulong ng ating bansa. Kaya naman nagkasundo kami na ang pinakamahalaga..

— Grace Poe (@sengracepoe) July 15, 2015

ay isaalang-alang ang boses at gabay ng ating mga kababayan upang masigurong hindi ito mawaldas at..

— Grace Poe (@sengracepoe) July 15, 2015

ay isaalang-alang ang boses at gabay ng ating mga kababayan upang masigurong hindi ito mawaldas at..

— Grace Poe (@sengracepoe) July 15, 2015

mapalakas pa ang maayos na paraan ng pamamalakad ng gobyerno sa darating na susunod na anim na taon.

— Grace Poe (@sengracepoe) July 15, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN