Zanjoe Marudo breaks silence on relationship problem with Bea Alonzo

Ipinagtanggol ni Zanjoe Marudo ang kasintahang si Bea Alonzo sa mga gumagawa ng isyung lumalabas daw ang aktres kasama si Paulo Avelino. Hindi raw ito kasali sa mga rason kung bakit may pinagdadaanan ang relasyon nila ng aktres.


Inamin ni Zanjoe Marudo na mayroon ngang pinagdadaanan ang relasyon nila ng kasintahang si Bea Alonzo.

Sa panayam sa kanya ng Aquino and Abunda Tonight ngayong gabi, July 28, sinabi ng Kapamilya actor na ilang beses na ring nagkaroon ng problema ang kanilang samahan.

Saad ni Zanjoe, “Hindi naman ‘to ang unang beses na meron kaming pinagdaanan ni Bea. Maraming beses na…

"Siyempre yung pagmamahal, hangga’t hindi nawawala yun, hangga’t andun ang pagmamahal, kahit anong problema ang dumating sa amin, hindi kami matitibag kung mahal pa rin namin ang isa’t isa.”

Pinag-usapan din sa social media ang tungkol sa ka-sweet-an nina Zanjoe at Bea sa recent show nila sa London.

Ayon sa aktor, nakabuti sa kanilang relasyon ang naturang biyahe.

“Masaya kami, kagagaling lang namin sa London.

"So, ayun, nag-enjoy kami dun," maiksi niyang kuwento.

Read: Bea Alonzo and Zanjoe Marudo spotted getting cozy in London despite recent relationship problem

Pinabulaanan naman ni Zanjoe na nagdi-date daw sina Bea at Paulo Avelino.

Sana raw ay huwag nang mangdamay ng ibang tao dahil wala namang third party sa "pinagdadaanan" nila.

Sabi ni Zanjoe, “Yun nga yung hindi maganda, may mga nadadamay pang ibang tao.

“Dahil hindi naman ganun yung nabuo naming relasyon ni Bea na alam ng tao.

“So, hindi maganda na nadudumihan dahil sa mga ganung klaseng isyu.

“Hindi yun kasali sa kung anuman yung pinagdadaanan namin ni Bea.”

Unang nalaman ng publiko ang problema sa relasyon nila nang mag-isa lang bumiyahe si Zanjoe sa Spain noong unang linggo ng Hulyo.

Read: Bea Alonzo admits problem in her relationship with boyfriend Zanjoe Marudo

Kagabi, July 27, sa presscon ng The Love Affair, nagbigay ng karagdagang pahayag si Bea tungkol sa pinagdadaanan nila ni Zanjoe.

Sabi ng aktres, “Lahat naman tayo, hindi naman mawawala 'yon, 'di ba?

“Yung pinakaimportante naman, 'di ba, kung paano mo iha-handle ang sarili mo pagkatapos ng lahat ng ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So there, we're working it out, and masaya naman kami, okay naman kami.”


Read: Bea Alonzo when asked about status of relationship with BF Zanjoe Marudo: “Responsibilidad mo sa sarili mo na maging happy ka.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN