Richard Gutierrez reveals clashes with twin brother Raymond: "Kasi nga, magkaibang-magkaiba na ang lifestyle namin."

Richard Gutierrez may or may not do another teleserye, "Kasi ngayon nga, isang araw ko lang hindi makasama si Zion, parang bumibigat na pakiramdam... Sa teleserye, serious time talaga na yun lang ang puwede mong gawin. Kung tama ang project at puwede kong pasunurin si Zion sa set paminsan-minsan, bakit hindi?”


“Sinong may sabi? Hindi ko pa nakita yung bank account niya!”

Ito ang natatawang biro ni Richard Gutierrez sa usap-usapang ang kakambal niyang si Raymond Gutierrez na raw ang pinakamayaman sa kanilang magkakapatid dahil sa marami nitong negosyo.

Read: Raymond Gutierrez avoids meddling in mom Annabelle Rama and sister Ruffa's rift: “Hindi na, may sarili na akong problems at mundo!”

Dahil tila hindi sang-ayon si Richard, ibig bang sabihin nito ay siya pa rin ang pinakamayaman sa kanilang magkakapatid?

“Hindi ko alam!” natatawang sagot ng 31-year-old actor.

“But I’m happy for Raymond. Aside from all the investments na nagawa namin, meron siyang mga ino-organize na events by himself.

“So, meron siyang team, nag-o-organize siya ng mga events. So, that’s very good.

“Nahanap niya ang passion niya, nahanap niya ang hilig niya, and I’m happy for him.”

CONFLICT BETWEEN BROTHERS. Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Raymond na sa unang episode pa lang ng third season ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez ay mapapanood na ang conflicts sa pagitan nilang dalawa ni Richard.

Pagsang-ayon naman ni Richard, “Kasi nga, magkaibang-magkaiba na ang lifestyle namin ni Raymond.

“So, siyempre minsan, nagka-clash kaming dalawa, especially kapag nakainom siya ‘tapos sober ako, nagka-clash kami.

“May nangyaring isang beses na ganun.”

Patuloy niya, “Kami ni Mond, bihira lang kami mag-away, mag-argue.

“Pero minsan talaga, kapag nag-argue kami, medyo mataas.

“Siya kasi magaling magsalita, ako naman quiet lang.

"Bihira kaming magalit, pero kapag nagalit kami, medyo intense."


FAMILY ISSUE. Sa kabilang banda, buong akala ng lahat ay nagkaayos at nagkabati na ang mommy ni Richard na si Annabelle Rama at ang ate niyang si Ruffa Gutierrez sa kasal ng kapatid nilang si Elvis kay Alexa Uichico noong June.

Pero hindi pa rin pala.

Read: Annabelle Rama describes reconciliation with Ruffa Gutierrez: “Hindi galing sa puso.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga ganoong isyu ng pamilya, katulad ng sa mommy at ate niya na hindi okey, ano ang ginagawa nila?

Ayon kay Richard, “Well, hindi mo kasi sila puwedeng pilitin.

"Nakausap na namin sila, maraming beses about it.

“Yung wedding ni Elvis, one step closer na yun.

“Sabi nga ni Ate, ngayon daw pinapahiram na siya ng bags.

"So, good sign na yun!”

Dagdag ng aktor, “Darating din yung time.

"Dati, madalas din naman silang nag-a-argument.

“After three-four days, okey na sila. Pero ngayon, medyo matagal.”

Kumusta naman ang pakikitungo niya sa boyfriend ng Ate Ruffa niya na si Jordan Mouyal, na ayaw ng kanilang ina?

Sabi ni Richard, “Okey naman kami. As long as happy si Ate.

“Alam niyo yun, as long as she’s in good hands, okey lang sa amin yun.

"Pero siyempre, iba yung parents."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN