Kier Legaspi clarifies parental issues of daughter Dani Barretto: "Para sabihin hindi ko na siya inisip, hindi ko na siya inalagaan, walang ganun..."

Kier Legaspi laments, “Mahirap kasi mahal mo ang anak mo, gusto mong alagaan. Masakit din dahil kahit gusto mo silang i-guide hindi nangyayari."


Ikinasal na pala ang character actor na si Kier Legaspi sa isang non-showbiz girl noong September 2014.

Sabi ni Kier, “I’m very happy.

"Nine years din kami and then finally dumating yung panahong ‘Let’s get married.’

“Simple lang yun [kasal].

"Nandito na ako sa showbiz, pati ba naman yun?”

Ang tinutukoy ni Kier ay ang pag-aanunsiyo ng kasal at malaking paghahanda rito na hindi nila ginawa ng kanyang asawa.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kier matapos ang presscon proper ng kinabibilangan niyang primetime series, ang Beautiful Strangers, noong Martes, July 28, sa GMA Network.


TWO CHILDREN. Bago sila nagpakasal ng kanyang misis, dalawa na ang anak ni Kier sa magkaibang babae.

Ang panganay niya ay ang blogger na si Dani Baretto, na anak ni Kier sa dating aktres na si Marjorie Baretto. Twenty-one years old na ngayon si Dani.

Ang pangalawa naman niyang anak, mula sa isang dating karelasyon, ay twelve years old na.

Hindi itinanggi ni Kier na minsan lang niyang makita ang pangalawa niyang anak.

“Siyempre, may mga kailangang ayusin para mas maging smooth yung takbo,” sabi niya.

Umaasa naman si Kier na magkaroon sila ng anak ng kanyang misis ngayon.

ABSENTEE FATHER? Kung madalang makita ni Kier ang kanyang 12-year-old non-showbiz kid, totally raw na hindi naman niya nakikita si Dani.

Sa naunang panayam ng PEP kay Dani noong December 2014, sinabi niyang hindi sila close ng kanyang ama at hindi sila nagkikita nito.

Read: Dani Barretto admits missing her aunt Claudine Barretto

Reaksiyon dito ni Kier, “Oo nga e, nababalitaan ko nga yun.”

Paano ba ang sitwasyon nila ni Dani?

Tugon niya, “As much as I want to answer your question, ayaw ko na lang mag-comment.

“But I’m very confident na maayos naman ang lahat.

“Ganun naman, e, magkakaroon ng problema, but at the end of the day, she’s my daughter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’ll just do everything."

Sa pagkakaalam namin, maayos naman ang samahan nila ni Dani noong bata pa ito at nakikita naman niya ito palagi.

Hanggang biglang lumitaw ngang hindi pala maayos ang samahan ng mag-ama.

Pahayag ni Kier, “Oo nga, e. Yun nga, ayokong mag-comment.”

Ayon kay Dani, “on and off” ang pagkikita nilang mag-ama.

Paglilinaw naman ni Kier, “Yes, on and off yung pagkikita.

“Pero kung ang pag-uusapan natin ay ang obligasyon ng isang tatay, napuputol.

“Why? Kasi sa sitwasyon nga, basically ganun lang siya.

“Pero para sabihin hindi ko na siya inisip, hindi ko na siya inalagaan, walang ganun.”

MAKING AN EFFORT. Ayon kay Kier, gumawa naman siya ng effort na makita at makasama ang dalaga nang anak.

Umiiwas na lang siyang himayin ang rason kung bakit hindi nangyari ang inaasahan niya para sa kanila ni Dani.

Pero aminadong nahihirapan si Kier sa sitwasyon.

Saad ng 42-year-old actor, “Makita mo ang anak mo na months or years na hindi mo nakita… you don’t know where to start.

“Nagiging back to zero siya, parang you have to start again with your relationship with your kid.

“Yun ang pinakamahirap sa ganung relationship na hindi continuous yung pagkikita ninyo.

“Mahirap kasi mahal mo ang anak mo, gusto mong alagaan.

“You’re older than them, marami kang experiences sa buhay.

“Alam mong gusto mo silang i-guide, ‘Eto ‘wag mong gawin kasi dinaanan ko na ito.’

“Mahirap, pero masakit din dahil kahit gusto mo silang i-guide hindi nangyayari.

“You just have to really handle it in a nice way na huwag mong masyadong isipin.

“That’s life.”

Nasa hustong gulang na si Dani at may sarili na itong mga desisyon. Hindi na puwedeng kontrolin ang pag-iisip nito ng kahit na sino, kahit ang ina niyang si Marjorie.

Gumagawa ba si Kier ng paraan para abutin ang anak ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis niyang sagot, “Yeah, okey naman ako, walang problem sa akin.

“At the end of the day, she’s my daughter, I love her very much.

“Ganun, e, minsan hindi ko na siya makontak.

“Siyempre may sariling buhay na, she lives with her mom.

“Wala talaga, e. But I’m hopeful.”

May timetable ba si Kier?

“Wala, wala akong timetable. Hinayaan ko lang ang panahon, hinayaan ko lang siya.

“Pero kung sasabihin kung may effort ka ba? Yes!”


IGNORE BASHERS. Madalas naba-bash at napipintasan si Dani sa tuwing ikukumpara ito sa half-sisters niyang sina Julia at Claudia.

Ano ang nararamdaman ni Kier bilang ama kapag pinupuna ng iba si Dani?

Sabi niya, “Kung iintindihin mo yun, masisira lang ang araw mo, e.

“You cannot please everyone… hindi ko iniintindi, hindi importante yung mga comments na ganyan.

“Hindi ako nagdu-dwell sa mga bashers.

"Lagi kong tinitingnan yung kabutihan ng isang tao.

“Hindi ako yung, ‘Oy, panget 'yan, hindi magaling umarte.’

“Mas tinitingnan ko yung kalooban ng isang tao, hindi ko tinitingnan yung physical na kaanyuan.”

Gaano niya kamahal ang dalawang anak na hindi niya madalas makita?

Matapos mag-isip ng ilang sandali, sagot ni Kier, “Ganito na lang... one time pumunta si Dani sa akin, I think lumayas siya, something like that.

“I wasn’t ready. But I gave her my room, I gave her my bed, at natulog ako sa sahig.

“I didn’t mind. Ganun ko sila kamahal.”

Nagkakausap ba sila ni Marjorie?

“Matagal nang hindi, kasi si Dani, twenty-one years old, e, so wala nang pag-uusapan.

“I don’t remember kung kailan yung huling paguusap namin.. I don’t remember.”

Nagkaroon ng issue noon si Dani sa tiyahin niyang si Claudine Baretto nang nagkasamaan ng loob ang huli at si Marjorie.

Nanahimik daw si Kier at hinayaan lang niyang harapin ng anak at ng ina nito ang kontrobersiya sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Kier, “Nung nabalitaan ko, nalungkot ako kasi close din ako sa mga Barrettos, e.

“Ayan na nga, nag-comment si Dani, si Claudine, at then si Marj.

“Actually, kapag nakakarinig ako ng balita na nag-aaway, medyo nakakalungkot naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN