Sen. Grace Poe on Sec. Mar Roxas's presidential bid: “I wish him well.”

Sa kabila ng hindi pagkakapili ni Pangulong Benigno Aquino III kay Sen. Grace Poe (kaliwa) para iendorso bilang standard bearer ng Liberal Party sa 2016 elections, nagpapasalamat pa rin ang senadora na kinunsidera siya nito. "I see this as an acknowledgement of my efforts in our shared desire to improve the lives of all Filipinos,” sabi ni Senator Grace sa isang press statement. Ang napili ni PNoy na humalili sa kanya sa susunod na eleksyon ay si DILG Secretary Mar Roxas


Binati ni Senator Grace Poe si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, ilang oras matapos pormal na iendorso ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang kalihim bilang standard bearer ng Liberal Party sa May 2016 elections.

Naganap ang pag-eendorso ni PNoy kay Roxas nitong Biyernes ng umaga, July 31, sa Cory Aquino Hall ng Club Filipino, San Juan City.

Read: PNoy anoints Mar Roxas as successor for 2016 elections; Mar accepts the challenge to continue "Daang Matuwid"

Ilang sandali lamang pagkatapos ng official endorsement ni PNoy kay Mar, lumabas ang press statement ni Senator Grace kung saan binati niya ang DILG secretary.

Sabi ni Senator Grace sa kanyang press statement: “I recognize Secretary Roxas has decided to offer himself as a possible president, and I wish him well."

Sinabi rin ang senadora na umaasa siyang pag-uusapan sa darating na kampanya ang pagpapatuloy sa mga programa at adhikain ni PNoy para sa Daang Matuwid.

Sa pamamagitan nito, sinabi ni Senator Grace na matutulungan ang mga botante na makapili nang tama kung sino ang iboboto nila.

Pinasalamatan din ng senadora si PNoy dahil sa pagkukonsidera sa kanya na ipagpatuloy ang adhikaing Daang Matuwid.

"I see this as an acknowledgement of my efforts in our shared desire to improve the lives of all Filipinos," sabi niya.

Bago ang pag-eendorso kay Roxas, inisip ng marami na posibleng si Senator Grace ang piliin ni PNoy para kumandidato bilang Pangulo sa 2016 elections, lalo pa’t ilang beses din silang nagpulong.

Bukod kay Senator Grace, kasama rin sa pulong sina Secretary Mar at Senator Chiz Escudero.

Matunog din ang pangalan ni Senator Chiz na tatakbo bilang President o Vice President.

Read: Sen. Grace Poe on split screen with VP Jejomar Binay and Sec. Mar Roxas at SONA: "I felt very awkward."

Hindi man siya ang napili ng Pangulo na iendorso, ipinahayag ni Senator Grace na susuportahan pa rin niya ang adbokasiya ng Pangulo, “because I believe it will be made more meaningful if more people continue the journey, wherever they may be and in whatever role they play."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ulat naman ng GMA News Online, sinabi umano ni Senator Chiz sa pamamagitan ng text message na nirerespeto niya ang desisyon ni Secretary Mar na tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2016.

"Alam ko na hindi naging madali ang kanyang pagpapasya at bilang kaibigan, nadarama ko ang hirap ng kanyang pinagdaanan.

"Iginagalang at nauunawaan ko ang kanyang pasya," sabi ni Senator Chiz sa text message.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN