Ken Psalmer on breakup with Arnell Ignacio: "Hindi lang ako ang may fault... it’s a two-way relationship."

Ken Psalmer on claims that he is two-timing Arnell Ignacio: “Lahat ng nalalaman niya tungkol sa buhay ko, nangyari ‘yon. Bago ko siya nakilala, lahat ng nabalitaan niya, nangyari yun bago kami naging kami.”


Nalulungkot daw ang aspiring singer na si Ken Psalmer sa naging kinahinatnan ng relasyon nila ng entertainer na si Arnell Ignacio.

Naglabas ng kanyang saloobin si Arnell sa Startalk tungkol sa mga ginawa diumano sa kanya ni Ken.

Read: Arnell Ignacio speaks up about split with boyfriend Ken Psalmer

Pahayag naman ni Ken sa hiwalay na panayam ng Startalk, “Nalulungkot ako kasi yun pala ang nararamdaman niya.

“Actually, the other day, magka-text kami.

“Sabi, mag-usap naman kami. Pero wala pang chance na makapag-usap kami.

“Siguro busy din siya, ako may work din ako.”

TWO-WAY STREET. Ngunit itinanggi ni Ken ang tungkol sa sinabi ni Arnel na panlalaki diumano niya, pati ang ‘di raw magandang pagtrato niya sa comedian-TV host.

Saad niya, “Siguro nasabi na lang niya yun kasi masama ang loob.

“Basta nag-usap na kami, e. Sinabi ko naman sa kanya that time.

“Lahat ng nalalaman niya tungkol sa buhay ko, nangyari ‘yon.

“Bago ko siya nakilala, lahat ng nabalitaan niya, nangyari yun bago kami naging kami.”

Dagdag niya, “Basta ayoko nang palakihin.

“Basta gusto ko lang malaman ng mga tao na sana maintindihan din nila ako.

“Hindi lang ako ang may fault. Sa akin siyempre, it’s a two-way relationship.

“Siguro naman po, dahil wala akong kakilala nga na expert yung sarili ko sa media, o sa mga tao, sana maisip din nila na hindi naman sinisisi ko si Arnell.

“Mutual naman yung decision namin na maghiwalay.

“Kung anuman yung naririnig ng iba o sinasabi ng ibang tao, sana isipin niyo muna na may side din po ako.”

DID NOT ASK FOR IT. Nilinaw rin ni Ken na ang lahat ng mga pabor na ibinigay sa kanya ni Arnell ay hindi niya hiningi.

“Hindi ko rin naman hinihiling sa kanya na malagay ako sa limelight.

“Although, one of the reasons din na hindi kami nagkakaintindihan, kasi medyo nalagay ako sa limelight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na ang mga tao, nung nag-umpisa kami, akala nila, ‘Manggagamit ‘yan. Gusto lang niyang sumikat, gusto lang niyan magka-career.’

“Which is gusto ko rin linawin na hindi ko hinihiling sa kanya na pasikatin niya ako or bigyan niya ako ng pangalan.

“Ang sabi ko lang sa kanya, kung may extra work na paraket-raket, ganun.”

Patuloy niya, “Alam ko naman na maganda ang intensiyon ni Arnell.

“Gusto niyang magkaroon ako ng pangalan kahit papa'no.

“Gusto niyang maging okay ang career ko sa pagkanta, so pasasalamat ako dun.

“Pero to make it clear lang po, hindi ko po… at hindi ko po hiniling sa kanya yun.

“Pero thankful ako dahil sinikap niyang gawin yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN