Dingdong Dantes reacts to issue of Heart Evangelista with Marian Rivera's fans

Dingdong Dantes has more to say about inconsequential issues in showbiz: "Kanya-kanya ‘yan, kanya-kanyang statement, at ako, ang pinakamahalaga sa lahat, stick to what is right. Kung ano ang karapat-dapat, e, dapat dun ka lang and not involve ourselves sa mga negative na bagay.”


Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Dingdong Dantes sa isyu sa pagitan ni Heart Evangelista at ng fans ni misis ng aktor na si Marian Rivera.

Nagsimula ito sa comment ng isang follower ni Heart sa Instagram na ikinukumpara ang kanilang idolo kay Marian.

Nag-post ng pasasalamat si Heart at sinabing: “Thank you but let’s not start with that her fans are very bad and I don’t wanna get bashed. thank you.”

Read: Heart Evangelista calls Marian Rivera fans “very bad”

Sa thanksgiving mass at party ng pinagbibidahang teleserye ni Dingdong, ang Pari 'Koy, noong Sabado, August 1, ay tinanong namin ang Kapuso Primetime King tungkol dito.

Pahayag niya, “You know, mahirap mag-generalize.

“Lalung-lalo na yung validity naman din ng pagsasabi na kung sino sila, e, mahirap talagang patunayan ‘yan.

“Para sa akin, at the end of the day, we should always let go of these negative things, ‘di ba?

“Focus on what’s positive para sa ikaaasenso at ikagaganda ng buhay nating lahat.

“Magkaroon ka ng kapayapaan para sa sarili mo, yun ang pinakamahalaga, e.

"And kanya-kanya ‘yan, kanya-kanyang statement.

"At ako, ang pinakamahalaga sa lahat, stick to what is right.

“Kung ano ang karapat-dapat, e, dapat dun ka lang and not involve ourselves sa mga negative na bagay.”

Pagpapatuloy ni Dingdong, “In fairness, ha, I would like to speak also in behalf of some of the supporters.

"They’ve been with us magmula noon... Personally, I know some of them and they’re not that way.

“And at the same time, I’m also a fan of Marian. Ibig sabihin ba, I am also like that?

“So, I really hope hindi siya nadye-generalize…

"The people that are with us ay mabubuting tao."

Kasama ni Dingdong sa thanksgiving party ng Pari 'Koy si Marian, kaya sinubukan ng PEP na hingan ang reaksiyon niya sa isyu ni Heart sa kanyang fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mas pinili ni Marian na huwag na lang sumagot.

Pahayag niya, “Ang masasabi ko lang, mahal na mahal ko ang mga fans ko.”


FAN LOVING. Sa kabilang banda, katabi ni Marian si Dingdong nang magbatian at magbeso si Lovi Poe sa Kapuso Primetime Queen noong YES! 15th anniversary party noong July 27.

Read: Marian Rivera and Lovi Poe back on good terms?

Natuwa rin ba siya sa nangyaring yun?

Sabi ni Dingdong, “Yes, sabi ko nga sa lahat ng bagay, maganda na merong kapayapaan.

“And for whatever it is, it’s between them.

“Pero para sa akin, let’s all have fun.

“Maiksi ang buhay, huwag na nating bigyan ng kung anuman.”

THREE MONTHS TO GO. Tatlong buwan pa ang paghihintay nina Dingdong at Marian bago nila masilayan at mahawakan ang kanilang panganay na anak, na ngayon ay tinatawag muna bilang si "Baby Maria."

Tuwang-tuwa nga ang mag-asawa nang makita nila ang anak sa pamamagitan ng 4D ultrasound. Buung-buo na raw ang features nito.

Bulalas ni Dingdong, “Hindi ako makapaniwala, parang totoo ba ‘to?

“Isipin niyo yung sensiya, nagagawa na yun, wow!

“I’m sure years back, hindi pa nagiging ganito ka-high tech ang mga mechanism, pero grabe, ang galing ng Diyos.”

Ano ang pakiramdam na nasilayan na niya ang kaniyang baby girl?

“Sobrang grateful kami na generally, okay,” sabi ni Dingdong.

Sino ang kamukha ng kanilang baby?

“Sabi niya [Marian], kamukha ko. Pero sa tingin ko, kamukha niya.

"Regardless, ang pinakaimportante sa lahat, healthy siya.

“Magmula umpisa hanggang sa paglabas niya, ang pinagpi-pray talaga namin ay healthy siya.”

Bukod sa siguradong Maria sa pangalan ng baby, meron na ba silang naisip na isusunod pa rito?

“Medyo numinipis na ang listahan, from five, pretty much alam na namin.”

Isa na lang naman daw ang hinahanap nilang pangalan ng magiging anak nila bilang kasunod ng Maria.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN