Police says Masculados Dos member Ozu Ong may have known his assailants

Angono Police Chief Superintendent Lucilo Laguna Jr. said in a phone interview that Ong “must have known his assailants.”


Posibleng kakilala raw ng pinaslang na Masculados Dos member na si Ozu Ong ang bumaril sa kanya sa may harap ng Primrose Hills Subdivision sa Angono, Rizal, noong Linggo ng madaling-araw, August 2.

Hinihinalang carjacking ang motibo ng mga suspek sa pagpatay kay Ong, kung saan tinangay ang minamaneho nitong Toyota Hilux na may plate number na AAO2272.

Read: Masculados Dos member Ozu Ong shot dead in carjacking incident in Angono

Sa panayam ng Inquirer.net kay Angono Police Chief Superintendent Lucilo Laguna Jr., sinabi nitong: “[Ong] must have known his assailants.”

Base raw ito sa salaysay ng nakasaksi sa pangyayari na sinabing bumaba pa ang biktima mula sa kanyang sasakyan at nakipag-usap sa isa sa mga suspek bago ito binaril.

“There were at least two suspects—the one who shot the victim and another who drove the victim’s vehicle,” ayon sa police chief superintendent.

Ayon pa sa ulat, iniimbestigahan din nila kung may kaugnayan ang trabaho ni Ong, na nagpe-perform sa mga bars.

Sinabi rin umano ni Laguna na nakipag-usap sila sa live-in partner ni Ong na si Kysillin delos Santos, na sinabing wala namang kaaway ang Masculados member.

Samantala, bumuhos naman ang pakikiramay at pagdadalamhati sa Facebook accounts ng mga kagrupo ni Ong sa Masculados Dos.

Ilan din sa kanila ang nanawagan para sa hustisya ng pagkasawi ni Ong.

Sa Facebook account ng manager ng Masculados Dos na si Direk Maryo J. de los Reyes, sinabi nitong ang mga labi ni Ozu ay nakahimlay sa Lazarus Chapel B ng Transfiguration of Christ Parish Church and Columbarium, sa Manuel L. Quezon Ext., Antipolo City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN