Ai-Ai delas Alas distances self from Gladys Reyes-Rita Daniela issue

Ai-Ai delas Alas on ending of Let The Love Begin: “Siyempre mami-miss ko yung mga nakasama ko sa show, pero siyempre lahat naman ng bagay o show may katapusan. At di ba, kapag may natatapos, may nagsisimula?”


Ayaw magkomento ni Ai-Ai delas Alas sa napabalitang isyu sa pagitan ng co-stars niya sa Let The Love Begin na sina Gladys Reyes at Rita Daniela.

Nagsimula ang isyu nang nakarating daw kay Gladys na tila nag-make faces si Rita nang nagkamali si Donita Rose sa eksena nila.

Read: Gladys Reyes expresses displeasure to Rita Daniela over 'tarayan issue' with Donita Rose

Sabi naman ni Ai-Ai tungkol dito, “Naku, ayaw na nilang i-discuss 'yan!

“Una, hindi ko alam talaga yan. Nalaman ko na lang nung may nagtanong sa akin.

“Sabi ko, respect lang.”

Si Ai-Ai ba ay nakaranas na ng pagmamaldita mula sa younger stars na nakakatrabaho niya?

“A, try nila! Try lang naman nila,” sabi ng Philippine Queen of Comedy.


ENDINGS AND BEGINNINGS. Magtatapos na ang Let The Love Begin ngayong Biyernes, August 7.

Mami-miss daw ni Ai-Ai ang mga katrabaho niya rito, tulad ni Ruru Madrid na gumaganap bilang anak niya.

“Masarap katrabaho ang mga bagets na yun, sina Ruru, si Gabbi Garcia, pati rin siyempre yung ibang nakasama ko sa show.

“Siyempre mami-miss ko yung mga nakasama ko sa show, pero siyempre lahat naman ng bagay o show may katapusan.

“At di ba, kapag may natatapos, may nagsisimula?”

Sa pagtatapos ng Let The Love Begin, may panibagong show si Ai-Ai sa GMA Network.

Ito ay ang comedy-musical variety show na Sunday PINASaya, na magsisimula naman sa August 9.


ELECTION CHOICES. Samantala, nagdeklara na ang ilang pulitiko ng kanilang intensiyong tumakbo sa 2016 elections, kagaya ni Vice President Jejomar Binay na tatakbo bilang Pangulo.

Matatandaang noong isang taon ay idineklara na ni Ai-Ai ang kanyang pagsuporta kay Binay bilang Presidente sa 2016.

Read: Ai-Ai delas Alas declares: Jejomar Binay is my President in 2016!

Pero nang tanungin muli ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay umiwas si Ai-Ai na direktang sagutin ito.

“Ano ba? Alam niyo naman yun, huwag na nating iano,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kumukuha na ba sa kanya ngayon para mangampanya?

“Wala pa ngayon.”

Pero papayag ba si Ai-Ai na mangampanya para sa isang tatakbong pulitiko?

“Ayoko na ng ganun kasi, di ba, masyadong magulo ang ano...”

Kahit malaki ang i-offer sa kanyang talent fee?

Sagot ni Ai-Ai, “Hindi naman lahat pera, e. Marami rin naman ako nun.”

Paano kapag kinausap siya ni Vice President Binay na sumuporta o mapasama sa partido nito?

“A, tingnan natin. Hindi muna ako makakasagot ngayon kasi… wow, graceful lang ang dating!

“Hindi, siyempre naman, alam niyo naman na yun.”

Bukas ba siya sa posibilidad na sumuporta sa partido ng bise presidente?

“Depende kung ano yung mangyayari. Kasi ngayon, hindi pa, dahil busy rin naman ako sa career ko, e.”

Sa October ang filing ng candidacy ng mga tatakbo sa 2016 elections.

Hindi ba dapat ay nag-iisip na si Ai-Ai kung ano ang desisyon niya?

“Hintayin natin, malalaman natin 'yan sa mga susunod pang panahon,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN