Dimples Romana thinks Angel Locsin and Luis Manzano are ready for marriage

Dimples Romana on friend Angel Locsin: "Very motherly siya, very nurturing. Yung talagang mapapansin mo sa kanya na may malasakit siya sa baby mo. Hindi yung gusto lang niyang alagaan, kundi nag-e-enjoy siya talaga."


Kung si Dimples Romana ang tatanungin, handa na ang mga kaibigan niyang sina Angel Locsin at Luis Manzano sa buhay may-asawa

“Dyusko, handang-handa na iyon at si Luis din! Pero siyempre, ang lahat ay naaayon sa timing,” sabi ng Kapamilya actress.

May naririnig na ba si Dimples na plano nina Angel at Luis na magpakasal?

Sagot niya, “Wala, kasi alam mo, si Luis at si Gel, kapag kausap mo iyong dalawa, minsan hindi mo alam kung nagbibiruan sila o hindi.

“Kasi sobrang joker si Luis. So minsan, ‘Ano, pakasalan na kita bukas?’ Iyong mga ganyan.

"So, hindi mo talaga alam when they are going to do it.

“But, you know, as far as I’m concerned, I’m sure pati si Tita Vilma [Santos, Luis’ mom] din, super-super boto rin.

"Kasi, ang tagal na nila together, e."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dimples sa premiere night ng Homeless sa Cinema 1 ng Robinsons Galleria last August 9.

 

ANGEL LOCSIN AS NANNY. Nasabi rin ni Dimples na nami-miss na niyang makatrabaho si Angel, na bukod sa best friend ay kumare pa niya.

“Kaya lang busy si Gel ngayon. Hindi ba nagsu-shoot sila ng movie with Tita Vilma at Xian [Lim]?

“Pero si Gel, nagpupunta sa bahay iyan, nag-aalaga ng baby ko.

"Sweet siya talaga, sobrang sweet niya. Ninang siya ng baby ko.

“Pupunta 'yan sa bahay at sasabihin niyan, ‘Mare, mag-date muna kayo ni Boyet,’ ng husband ko. ‘Ako muna sa bata.’

“Sasabihin ko, ‘Naku, ikaw, nagpa-practice, ka, huh!’”

Tumawa si Dimples nang sinabi naming sobrang sosyal pala ng ‘yaya’ ng baby niya, dahil si Angel nga ito.

Sabi niya, “Hindi, alam mo si Gel, sabi ko nga sa kanya, ‘Alam mo, Mare, nakakatawa ka talaga.’ Kasi ang cute-cute niya, e.

"Parang kapag tinitingnan ko nga siya, parang reding-ready na siya talaga [na maging ina].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo kasi si Gel, as a person, very motherly siya, very nurturing. Hindi ba, may mga ganoon tayong kaibigan?

“Yung talagang mapapansin mo sa kanya na may malasakit siya sa baby mo?

"Hindi yung gusto lang niyang alagaan, kundi nag-e-enjoy siya talaga.”

GOOD HEART. Palagay ba ang loob ni Dimples kapag si Angel ang tumitingin sa baby niya?

Sagot ng aktres, “Ay, palagay po ako, dahil alam na alam ko na kapag lumaki yung bata, cowboy.

“Kasi si Gel, kaya ko siya kinuhang ninang, bukod sa best friend ko siya, kasi lalaki yung anak ko, e. Si Gel kasi, pag kumilos, parang lalaki rin 'yan, e.

“At saka hindi lang iyon. Alam ko na matuturuan niya yung bata, like yung pagbo-volunteer niya.

“In fact, alam mo si Gel, kapag may mga ganitong trahedya na nangyayari, nauuna iyan.

"Nagti-text iyan sa akin, ‘Mare, gusto mong mag-repacking?’

“Sabi ko, ‘O, sige, halika.’ So, sama kami."

Kuwento pa ni Dimples, "Alam mo nag-repack kami, first time ko.

“I think that was for Ondoy, kasi, I think, ambassador siya for Red Cross.

"And doon ko na-feel, nakakangawit palang mag-repack.

“Doon ko na-feel na grabe pala ang pagmamahal ng mga kababayan nating volunteers sa mga tinatamaan ng trahedya.

"Kasi, eight hours kaming nag-repack. Pagtulog ko, nangawit talaga mga bisig ko.

"Kasi hindi mo mararamdaman habang nandodoon ka, e.

“So, si Gel, one of the reasons why I really love her, it’s because I’m sure that she would be a very good example kay Alonzo, when he grows older.”

 

ON BASHERS. Inusisa rin namin si Dimples hinggil sa bashers.

Saad niya, “Alam mo, sa totoo lang, I think tinanggap na rin namin na kasama na rin iyan sa trabaho.

"Wala namang trabahong perpekto, so kung mayroon mang mga ganoon, iindahin mo na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ang titingnan mo diyan, mas marami kang taong napapasaya.”

Speaking of bashers, ano ang reaksiyon ni Dimples sa pagpatol ni Luis sa basher niya?

Maaalalang sumagot si Luis sa isang basher na tinawag siyang 'bakla' sa Twitter.

Read: Luis Manzano fights back against basher who called him "gay" on Twitter

Pahayag ni Dimples, “Kasi, sino pa ba ang hindi nila tinawag na ganyan? Lahat naman iyan, tinatawag nila ng ganyan.

“Minsan kasi cute fin kapag sinasagot mo, e. Sa totoo lang, hindi ba?

"Para minsan kasi, alam nila na tao rin kami. Hindi naman kami robot.

"Ano, hindi kami nahe-hurt?

"Imposible naman 'yon, siyempre nahe-hurt din kami."

Sa tingin ba niya ay papasok si Luis sa politika?

Ani Dimples, “Maganda kung pumasok siya, kasi bagay sa kanya.

"Kasi alam mo si Luis, napakahusay ng pagpapalaki diyan nina Tita Vilma at Tito Edu [Manzano, Luis’ dad].

“Kapag na-meet mo si Luis, mamahalin mo agad iyong tao, kahit hindi pa politiko 'yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN