Bea Alonzo on relationship with Zanjoe Marudo: “Papunta na kami sa liwanag.”

Parehong inaayos nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo ang naging gusot sa kanilang relasyon nitong mga nakaraang linggo. Sa ngayon daw, malapit na sila sa liwanag mula sa dilim na kanilang pinagdadaanan.


“Papunta na kami sa liwanag.”

Ito ang maiksing sagot ni Bea Alonzo nang kinumusta ni Boy Abunda ang estado ng relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Zanjoe Marudo, sa Aquino and Abunda Tonight kagabi, August 12.

Nakangiti si Bea habang binitawan niya ang salitang "liwanag."

Ito ay dahil napapabalitang on the rocks daw ang relasyon nila ni Zanjoe nitong mga nakaraang buwan.

Nag-ugat ito nang magbakasyon ang aktor sa Spain na hindi kasama si Bea.

Pero sa panayam kay Zanjoe noong July 28, sinabi nitong may pinagdadaanan nga silang problema sa kanilang relasyon na normal lamang sa mga magkasintahan.

Read: Zanjoe Marudo breaks silence on relationship problem with Bea Alonzo

Sa naunang panayam naman kay Bea, sinabi nitong okay lang sila at inaayos nila ang anumang gusot sa kanilang relasyon.

“Okay naman ako, okay naman kami.

“And, oo, may mga pinagdadaanan.

"Lahat naman tayo, hindi naman mawawala 'yon, 'di ba?

“Yung pinakaimportante naman, di ba, kung paano mo iha-handle ang sarili mo pagkatapos ng lahat ng ito.

“So there, we're working it out, and masaya naman kami, okay naman kami.”

Read: Bea Alonzo when asked about status of relationship with BF Zanjoe Marudo: “Responsibilidad mo sa sarili mo na maging happy ka.”

Nitong nakaraang Martes, August 11, dumalo si Zanjoe sa premiere ng pelikula ni Bea na The Love Affair sa SM Megamall.

Read: Zanjoe Marudo seen with Bea Alonzo at The Love Affair premiere


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN