Mariel Rodriguez suffers miscarriage for the second time

Ipinaabot sa publiko ng aktor na si Robin Padilla ngayong gabi, August 13, ang malungkot na balitang muling nakunan ang kanyang asawang si Mariel Rodriguez sa sana’y supling nilang triplets.


Nakunan muli si Mariel Rodriguez, ayon sa mensaheng ipinadala ng asawa nitong si Robin Padilla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Huwebes ng gabi, August 13.

Triplets sana ang ipinagbubuntis ni Mariel ngunit sa kasamaang-palad ay nalaglag ito.

Mensahe ni Robin kay PEP associate editor Rommel Llanes: “Aug 12,15' Wed 6:30 pm i would like to inform the good public that my wife suffered a miscarriage.”

Sinundan ito ng opisyal na pahayag mula sa talent manager ni Robin na si Betchay Vidanes:

"We have received a confirmation message from Mr. Robin Padilla regarding the status of their pregnancy.

"It is with such a heavy heart that we are informing you that Ms. Mariel has suffered a miscarriage on Augst 12, 2015 at 6:30pm and the couple have lost the triplet pregnancy.

"On behalf of the couple we would like to ask for your prayers and utmost consideration for the couple's privacy and comfort.

"May the Creator bless them with hope, mercy and joy."

Nitong nakaraang mga araw, paroo’t parito ang mag-asawa sa Asian Hospital dahil binabantayan nila ang maselang pagbubuntis ni Mariel.

Sa mga naunang pahayag ni Robin, ang isa pa lang sa tatlong binhi ang may heartbeat kaya tinutukan ito ng mga doktor ni Mariel.

Nanawagan pa ng dasal ang aktor para sa kaligtasan ng kanilang mga magiging supling.

Read: Robin Padilla and Mariel Rodriguez expecting twins

Read: Robin Padilla updates on Mariel Rodriguez's pregnancy; triplets on the way?


FIRST MISCARRIAGE. Abril ngayong taon din nang nakunan si Mariel sa panganay sana nilang anak ni Robin.

Labis itong ikinalungkot ng Happy Wife, Happy Life host dahil matagal na niyang pangarap ang maging isang ina.

Read: Mariel Rodriguez confirms miscarriage: “A small part of me has died.”

Noong Hulyo, nagbakasyon ang mag-asawa sa Spain at hinihinalang doon nabuo ang sana’y magiging anak nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa maselang kalagayan ng asawa, minabuti ni Robin na ipagpaliban ang kanyang pelikulang gagawin kasama ang Japanese star na si Maria Ozawa, ang Nilalang.

Read: Robin Padilla “begged off” not “backed out” from Nilalang, says his manager

Ngunit sa kasamaang-palad nga ay muli na namang nakunan si Mariel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN