Luis Manzano agrees with mom Vilma Santos that she’s not yet ready for higher government post

Luis Manzano on talks that people are using his mother, Batangas Governor Vilma Santos for their own political agenda: “Oo, ganoon naman talaga. Alam ko naman na yung iba diyan, iba ang motibo. It’s a given. It’s politics."


Kahit may mga nang-eengganyong kumandidatong vice president si Batangas Governor Vilma Santos, hindi nagbabago ang statement ng Star For All Seasons na sa ngayon ay hindi pa siya handa for higher office.

Read: Governor Vilma Santos on 'Mar-Vi 2016' tarpaulins in Batangas: "Wala akong alam diyan."

Sang-ayon din dito ang panganay na anak ng aktres na si Luis Manzano.

Saad ng Kapamilya TV host-actor, “Oo, naniniwala talaga ako dun

“Mas gusto ni Mommy, mas hands-on.

"Kaya siya, minahal ng mga Batangueño kasi hands-on siya.

“Hindi siya yung tumakbong mayor para tumakbong senador, para tumakbong presidente. Hindi iyon ang diskarte niya.

“Tumakbo siyang mayor because gusto niyang manilbihan bilang mayor.

"And after that, tumakbo siyang governor dahil gusto niyang manilbihan bilang governor.

“So, kumbaga, si Mommy, ayaw niyang gawing stepping stone lang yun, e.

"Noong tumakbo nga si Mommy na governor, ayaw pa nga niya noong una.

“Dahil, di ba? It was Tito Ricky Recto [kapatid ni Senator Ralph Recto] na tatakbo dapat noong time na 'yon kasi he was the vice governor.

“Sabi ni Mommy, ‘Sige, kung tatakbo si Ricky. Family is first. Hindi ako tatakbo.’

“So, ibig sabihin, ang mommy ko, talagang…

"It’s not about running for higher office. It’s about being able to serve."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Luis sa presscon para sa Top 6 finalists ng The Voice Kids na ginawa sa Cocoon Hotel, Quezon City, noong Miyerkules, August 19.


PROOF OF PUBLIC TRUST. Pinag-aagawan ng ilang partido si Vilma ngayon. Naniniwala ba si Luis sa mga nagsasabing nagagamit o ginagamit lang daw ang kanyang ina ng ibang mga pulitiko?

Sagot ni Luis, “Oo, ganoon naman talaga.

“The fact na pinag-aagawan siya shows public trust. It shows faith.

“It shows that my mom is doing an excellent job. So, I’m very thankful for that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung sinasabing nagagamit, yes. Alam ko naman na yung iba diyan, iba ang motibo.

“It’s a given. It’s politics.

“Pero the fact lang nga na, kumbaga, gusto nilang gamitin ang mommy ko, or at least meron talagang may tiwala, it shows na napakaganda ng track record niya bilang pulitiko.”


STILL NO DECISION ABOUT POLITICS. Marami ang humihimok kay Luis na tumakbong mayor ng Lipa City, kung saan nanungkulan ang mommy niya ng tatlong terms bago ito naging governor ng Batangas.

Pero wala pang desisyon ang actor-TV host tungkol dito.

“Alam naman nila na wala akong gagawin para ikasisira sa pangalan ni Mommy.

"So, may mga tao rin na kumakausap sa akin," pag-amin ni Luis.

Anong partido ang kanyang sasalihan, if ever?

“Well, as of now, my mom is with the admin [Liberal Party].

"So, kung sakali man, as of this conversation, I mean, talking lang talaga… sa nakikita ko, admin.

“Naniniwala din ako sa admin.”

Lagi raw kinukonsulta ni Luis ang kanyang pamilya sa bawat desisyon niya.

“Family first. They would know.

“Buti sana kung yung pamilya ko, wala sa politika. They would know.

“They would be the first ones I will consult, or ask advice from.”

Kailan ang deadline ni Luis para magdesisyon?

“Nausod na nga na naman, e.

"Kanina, nag-usap kami ni Angel [Locsin, his girlfriend].

“Sabi ko, sige, bigyan niya ako nitong time na ito.

"Sabi naman niya, ‘Iyan din ang sinabi mo noong huling usap natin, e.’

“Ang deadline ng filing [of certificate of candidacy] is October 16, kung hindi ako nagkakamali.

"So, even before that, if I decide to run, dapat kahit papa'no may machinery na rin na… di ba, kung sakali?

“And it’s already close to September. So, malapit nang lumabas yon.”

Handa na bang tumakbo si Luis?

Tugon niya, “Kapag gumising ako na naramdaman ko na it’s about time to serve, yes! Kaya kong sabihing handa na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Which is why it’s taking me a bit too long [to decide]. As of now… fifty-fifty.”


CAMPAIGN FUNDS. Is he willing to spend his own money for the campaign?

“Oo, pero ang problema, siguro baka isang barangay lang ang makakampanya ko kapag ganoon!” sabay tawa ni Luis.

Dagdag niya, “I think ang COMELEC [Commission on Elections] pa ngayon, they’re very strict pagdating sa campaign expenses.

“Pero oo naman. Bakit ako aasa sa pera ng iba kung gusto kong tumulong [sa tao]?

“Magkakautang na loob pa ako.”

Ayaw ba ni Luis na tumanggap ng campaign fund mula sa kung sinumang magpi-pledge ng support sa kandidatura niya kung sakali?

“Hindi naman maiiwasan ‘yan.

"Pero at the same time kasi, gusto ko, klaro.

“Na hindi porke nag-support ka, may utang na loob na ako. Kumbaga, magkakaroon ako ng favors to be granted without question.

“Hindi naman. Napaka-trapo [traditional politician] naman nun.”

Tatanggapin ba ni Luis kung si Angel ang mag-volunteer magbigay ng campaign fund?

Sagot ni Luis, “Wow! Ako kasi, hindi ko inihahalo ang pera at saka love, e.

"Sa akin, as of now, parang ayoko talaga.

"Kami ni Angel, kahit kunyari minsan lumalabas kami, split kami sa pera. Split kami sa check.

"Like, kunyari kumakain kami sa labas na ako ang nagbabayad, next time kailangan siya talaga.

“Kumbaga, ayokong haluan ng pera yung kaming dalawa.

"And we’re both very… hindi naman wise pagdating sa pera, pero may ganun kaming… sabihin na nating issue.

"Naniniwala kami na dapat laging hati talaga kami."

Governor Vilma Santos on 'Mar-Vi 2016' tarpaulins in Batangas: "Wala akong alam diyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN