Maine Mendoza on sudden fame as Yaya Dub: "Hindi pa din ako makapaniwala."

Ito ang mensahe ni Yaya Dub o Maine Mendoza kay Alden Richards sa Twitter: "What's meant to be will ALWAYS find its way. Naniniwala pa din ako sa forever nating dalawa, Alden."


Hindi lubos-akalain ni Maine Mendoza na sa loob ng mahigit isang buwan pa lamang pagkatapos niyang unang lumabas bilang Yaya Dub sa "Problem Solving" segment ng Eat Bulaga! ay magbabago na ang takbo ng buhay niya.

Si Maine o Yaya Dub ay isa na ngayong household name dahil sa sobrang kasikatan ng loveteam nila ng kasamahan niya sa Eat Bulaga! na si Alden Richards.

Mula sa pagiging Internet sensation dahil sa kanyang pagda-Dubsmash, kinuha ng Eat Bulaga! si Maine upang isama kina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros sa "Problem Solving" segment.

Siya ay unang nakilala bilang si Yaya Dub, ang masungit na tagapag-alaga ni Lola Nidora (ang karakter ni Wally) na idinadaan sa Dubsmash ang lahat ng kanyang sinasabi.

Aksidente namang matatawag ang pagsisimula ng loveteam nila ni Alden.

Sa isang episode, habang nagda-Dubsmash si Yaya Dub, na nasa remote location, ay ipinakita sa screen si Alden, na nasa studio naman.

Nang makita ni Yaya Dub si Alden ay hindi nito mapigilang mapangiti at halatang kinilig.

Sa tunay na buhay ay crush pala talaga ni Maine ang Kapuso heartthrob.

Nang mga sumunod na araw ay palagian nang nagpapalitan ng "pabebe wave" at fan signs sina Alden at Yaya Dub.

Dito na rin nabuo ang AlDub loveteam, na itinuturing na ngayong phenomenon, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba't ibang panig ng mundo kung saan mayroong Pilipino.

Makikita rin ang malaking epekto ng kasikatan ng AlDub loveteam sa social media dahil araw-araw itong nagiging top trending topic nationwide at maging worldwide.

Dahil dito, umangat din nang husto ang career ni Alden na ngayon ay itinuturing nang isa isa pinakasikat na male star sa bansa.

Si Maine naman ay hindi pa rin makapaniwala sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao.

Kapansin-pansin ito sa mga pinupuntahan nilang barangay kung saan dinudumog talaga sila ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay nito, isang maikling mensahe ng pasasalamat ang ipinarating ni Maine sa kanyang mga tagasuporta sa pamamagitan ng Twitter (@mainedcm), ngayong araw, August 21:

It's amazing how fast things change. Speechless ako sa pagtanggap sakin ng mga tao; hindi pa din ako makapaniwala. Maraming salamat po.

— Maine Mendoza (@mainedcm) August 21, 2015

Yun nga lang, kalakip ng tinatamasang kasikatan ngayon ni Maine ay ang pagkabawas ng kanyang oras para sa mga mahal niya sa buhay.

Sa Twitter din ay ipinost ni Maine ang palitan nila ng mensahe ng kanyang kapatid, na tila nagtatampo dahil hindi na raw siya nakikita o nakakausap nito araw-araw.

My sister, everyone. pic.twitter.com/aEUR2IIkEP

— Maine Mendoza (@mainedcm) August 20, 2015

MESSAGE FOR ALDEN. Siyempre pa, hindi rin nakaligtaang padalhan ng mensahe ni Maine ang kanyang ka-loveteam na si Alden.

Sa inaabangan kasing Kalyeserye ng Eat Bulaga! ay pilit na ipinakakasal ni Lola Nidora si Yaya Dub kay Frankie (Jose).

Mukhang matutuloy na ang naudlot nilang kasal bukas, August 22, dahil na rin sa huling kahilingan ni Lola Nidora na may taning na ang buhay.

Ngunit hindi nawawalan ng pag-asa sina Yaya Dub at Alden na mananaig pa rin ang pagmamahalan nila hanggang sa wakas.

At ito nga ang mensahe ni Yaya Dub kay Alden:

What's meant to be will ALWAYS find its way. Naniniwala pa din ako sa forever nating dalawa, Alden. #ALDUBKeepTheFaith

— Maine Mendoza (@mainedcm) August 21, 2015

Sagot naman dito ni Alden:

I'll find a way, I won't give up. #ALDUBKeepTheFaith. https://t.co/ZtXR9bsxKY

— Alden Richards (@aldenrichards02) August 21, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN