Max Collins trades sexy image for comic roles: “Gusto kong maging role model sa mga bata.”

Max Collins explains why she feels more at home in comedy roles nowadays: “Gusto kong mag-focus on those things that are important to me as opposed to taking the sexy route. I thought about that also, kung gusto kong mag-sexy. It’s just that I’m not comfortable doing it.”


Kahit na dalawang comedy shows ang pinagbibidahan ngayon ni Max Collins sa GMA-7, itinanggi niyang tuluyan na siyang magiging komedyante.

“Hindi pa, parang hindi ko kaya,” sagot ni Max sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press kamakailan.

Regular na napapanood si Max sa Bubble Gang, at ngayong araw na ito rin (Sunday, August 23) ang pilot episode ng Juan Tamad ng GMA News and Public Affairs.

Sa Juan Tamad, si Max ang gaganap sa papel ni Marie Guiguinto, ang love interest ni Sef Cadayona, na lalabas bilang Juan Tamad.

TARGETING YOUNG VIEWERS. Pero masaya raw siya na dalawang comedy shows ang ginagawa niya ngayon.

“Masaya nga kasi lately, I’ve been wanting to do something that would cater to children, na magugustuhan nila.

“Kasi, na-miss ko yun, ever since natapos ang Innamorata. Kasi, after Innamorata, ang dami kong fans na bata.

“So parang, nalalapitan nila 'ko, 'Innamorata, idol kita!'

“Ngayon, wala na yun. Iba lang yung feeling na inspirasyon ka sa bata.

“For me lang, yun ang gusto kong i-target. Pero feeling ko lang, hindi ako magiging comedian dahil hindi ako funny, e.

“Feeling ko, hindi talaga ako nakakatawa. Si Sef pa rin ang nagdadala ng mga eksena namin. Tingin ko, sa drama po talaga ko.”

Dugtong pa ni Max, “Tingin ko sa comedy, gift siya. Puwedeng pag-aralan, pero gift siya.

“Actually, itong comedy na 'to sa Juan Tamad, matalinong comedy siya.

“Ang galing nilang lahat, kahit mag-adlib—si Sef, si Ms. Melanie Marquez. Hindi po ako naturally funny, but I hope I will learn from them.”

WORKING WITH SEF. All praises si Max sa kanyang bagong ka-loveteam na si Sef. Kahit na magkaibigan sila, hindi niya itinanggi na sa simula ay nagkaroon pa rin daw sila ng ilangan.

Kuwento niya, “Noong una talaga, medyo nakakailang dahil sa character niyang palaging nakanganga. Nakatitig sa akin, parang scary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong una talaga, hindi ako sanay sa character niya, pero ang galing talaga ni Sef humirit.

“Kung minsan natatawa ako sa kanya. Nahirapan talaga 'ko dahil hindi ako sanay sa proseso niya as an actor.

“But then now, mas naiintindihan ko ang flow niya.

“Mas naging aware ako na baka matawa ako sa eksenang ito, kailangan ko lang i-stop ang sarili ko. Kailangang mas maging masungit ako.”

Magkasama sila ni Sef sa Bubble Gang?

“Opo, pero iba po yung magka-eksena kayo. Iba po talaga sa show,” diin niya.

LOVELIFE. Kahit na matagal nang nali-link kay Max ang Kapuso actor na si Pancho Magno, wala pa ring inaamin ang dalawa.

Kumusta nga ba ang lovelife ni Max ngayon?

“Wala naman, ganun pa rin, walang interesting,” natatawang sabi niya.

NO MORE DEATH THREATS. Kinumusta naman si Max kung patuloy pa rin ba siyang nakatatanggap ng death threats.

Read: Max Collins reveals getting death threats

Sabi niya, “Sa ngayon po, tumigil na po yung nagti-text ng threat nang lumabas sa Startalk.

“Parang may idea naman kami noon kung sino. Bago naman po lumabas, medyo tumigil na rin po siguro a week before that.”

Pero inamin ni Max na sa kabila ng wala na siyang natatanggap na threats, may bodyguard pa rin daw siya para sa seguridad niya.

Hindi naman siya natatakot?

Pag-amin niya, “Feeling ko, hindi na. Baka natakot din siya nung lumabas sa news.

“Well, siyempre naman nandun pa rin ang takot. Pero parang ayoko nang isipin.

“Ayoko rin namang mag-panic. Ayoko namang hihinto akong mag-trabaho dahil sa kanya, or yun nga po, na lilipat ako ng bahay dahil sa kanya.”


NO TO SEXY PICTORIALS. Kinumusta rin namin kay Max kung papayag siyang gawan siya ng coffee-table book na sexy ang tema, gaya ng nangyari kay Andrea Torres.

Katulad ni Andrea, isa rin si Max sa matagal bago makumbinse para mag-pose sa FHM magazine. Si Max ang naging cover feature ng FHM nitong March 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Max, “Iniiwasan ko po yun. Parang sa ngayon, gusto kong maging role model sa mga bata.

“Parang sa Juan Tamad, may pagkabata ang role ko. Maganda siya sa kids and, at the same time, parang mas active na 'ko sa church ngayon.

“Gusto kong mag-focus on those things that are important to me as opposed to taking the sexy route.

“I thought about that also, kung gusto kong mag-sexy. It’s just that I’m not comfortable doing it.”


FOCUS ON KIDDIE FANS FOR NOW. Nilinaw ni Max na sa ngayon ay enjoy siyang mga bata ang nakakapanood sa kanya.

“I want to cater to children as opposed to people my age.

“Siyempre, older women are looked up to as being sexy. I wish to be that kind of person, kaya lang, hindi talaga 'ko kumportable.”

First and last na ba niya yung cover sa men’s magazine?

Paglinaw niya, “I don’t want to say anything kasi, last time, nagsabi ako na, 'Hindi, I’ll never do it.'

“For this season lang, I want to try to have more children fans, habang nag-e-air ang Juan Tamad.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN