April Boy Regino reveals suicidal thoughts because of vision loss: “Wala na akong patutunguhan, bagsak na ako.”

Umamin ang singer na si April Boy Regino na dumating sa puntong nawalan na siya ng pag-asa dahil sa sunud-sunod na malulubhang sakit na kumapit sa kanya. Sumagi na rin daw sa isip niyang magpakamatay, ngunit nabago ang lahat dahil sa pagkapit niya sa Panginoon.


Matapos ang halos dalawang taon, muling nagbalik sa mundo ng musika si April Boy Regino sa pamamagitan ng pagpirma ng kontrata sa GMA Records.

Read: April Boy Regino says renewed Christian faith allowed him to overcome his health battles

Sa panayam sa kanya ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS), na umere kagabi, April 23, sinabi ni April Boy na natutuwa siyang binigyan siya muli ng pagkakataon ng GMA na maibahagi ang kanyang musika, kahit na tumatanda na siya at may diperensiya.

“Biyaya ng Diyos, himala. Parang milagro,” sabi ng 46-year-old singer-composer.



“AKALA KO WALA AKONG KAMATAYAN.” Ayon kay April Boy, noong kasikatan niya at habang naninirahan sa Amerika, halos nakalimutan na niya ang kanyang pinagmulan.

“Palagay ko po, sikat na sikat ako noon, e.

"Hindi ko na po naalala yung dati kong buhay na galing pala akong squatter.

“Akala ko wala akong kamatayan. Parang Superman ho ako dati.

“Pagkatapos po noon, noong nagkasakit ako, dun ko nalaman na ang tao pala ay nagkakasakit.

“Akala ko, habang buhay akong masaya, maligaya, dahil ho ang lakas ng kita ko doon [Amerika]. Sikat na sikat pa din ako dun.

“[Hanggang dumating ang mga] pagsubok na hindi ko akalain na darating sa akin.

“Pagka sinabing kanser, mabibigla ka na lamang sa sarili mo. 'Kanser? Mamamatay na ako?'”

Taong 2013 nang gumaling ang '90s Jukebox King sa kanyang prostate cancer.

Pagkatapos niyang malagpasan ang prostate cancer, dinapuan naman siya ng congestive heart failure, kung saan nahirapan daw siyang huminga.

Bedridden daw siya matapos ma-confine sa ospital ng dalawang araw.

Lahad ni April Boy, “Umiyak na po ako noon.

"Sabi ko, ‘Parang mamamatay na ako.'

"Matigas ho ang ulo ko. Kasi basta po gagaling na ako, umiinom po ako ng beer.

"Yun po ang kahinaan ko, malakas po ako uminom ng beer. Nakaka-sampu po ako isang araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nabigla po siguro ang katawan ko na tumatanda na pala ako.

“Kasi ang sarap po, e, sa showbiz, party-party."

Pagkatapos nito ay nagkaroon naman ng diabetes si April Boy, dahilan para mabulag ang kanyang kaliwang mata.

Ang kanan niyang mata ay halos aninag na lamang ng liwanag ang nakikita. Ito dahil sa kumplikasyon sa diabetes.

“Tumaas po yung diabetes ko, pumutok po yung mga ugat ng mata ko.

"Sobrang iyak ko na po nun. Parang ang nangyari po sa akin nun, inutil na po ako.

“Kasi wala na po ako nakikita, e, bulag na po ako.

"Paano pa po ako magtatrabaho nun?"



SUICIDAL THOUGHTS. Dahil daw sa pangyayari, inamin ni April Boy na sumagi sa isip niyang kitilin na ang sariling buhay.

“Hindi na po ako makalabas, kasi paano ako maglalakad, e, wala naman po akong makikita?

“Naisip ko, parang pawala na yung buhay ko, dahil naisip ko na lang yung mga kaibigan ko.

“Sabi ko, ‘Siguro, kilala pa ako ng mga kaibigan ko kahit papa'no, tutulungan pa siguro nila ako.’

“E, wala na akong trabaho, e.

"E, hindi na po makakanta dahil parang bumagsak na yung langit sa akin, e. Wala na po akong mata.

“Tinawagan ko ngayon si Willie Revillame, binigyan po ako ng tulong na one hundred thousand [pesos].

“Unang opera ho yun, e. Tapos hindi naging successful kasi dumugo pa din nang dumugo yung mata ko.

“Pangalawang opera ho sa akin, tumulong naman sa akin si Manny Pacquiao. Binigyan ho ako ng five hundred thousand.”

Noong nabulag na raw siya, ang tingin ni April Boy sa sarili niya ay kawawang-kawawa na.

“Para bang gusto ko nang magpakamatay.

“Opo, kasi ho ang yabang-yabang ko dati. Ang dami pong humahanga sa akin.

“Tapos nung naranasan ko na po yung nabulag na po ako… lagi na lang po akong nasa kuwarto, nasa kama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Matutulog ako, at pinapaliguan ng misis ko. At pinapakain ho ako.

"Iyak ho ako nang iyak sa sarili ko.

“Sabi ko, 'Wala na akong patutunguhan, bagsak na ako.'

"Isa na lang pag-asa ko, Siya lang ang makakatulong sa akin.

“Siya lang buhay ko. Humingi ako ng tawad sa Kanya.

"Sabi ko, ‘Diyos ko, sobra na ‘tong pahirap Mo sa akin. Hindi na ako makakatagal nito, gusto ko nang mamatay."



RENEWED FAITH. Dahilan sa sunud-sunod na dagok sa buhay, muling nagbalik-loob si April Boy sa Diyos.

“Lagi ko naaalala lahat noong kasaganaan ko.

"Siyempre, suwerteng-suwerte na ako. Nasa akin na lahat.

"Wala e, isang pitik lang ‘yan, nawala lahat ng kasaganaan ko.”

Kumapit daw ang singer sa paniniwala sa Panginoon at dito na siya unti-unting bumangon.

“Nag-Bible study po kami. Niyaya po ng misis ko mga kamag-anak niya para ipagdasal ako,” sabi niya.

Dahil sa walang humpay na dasal na inialay para sa kanya at sa pagsasabing may pag-asa, umasa na rin daw si April Boy na muling gumaling at makabangon.

Dito na rin daw siya nagsulat ng inspirational at Christian songs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN