Pokwang celebrates birthday with daughter and American BF; gets heartfelt message from Angelica Panganiban

Isang simpleng selebrasyon ang ginawa ni Pokwang bilang paggunita sa kanyang 42nd birthday, kasama ang American boyfriend na si Lee O’Brian at anak niyang si Mae.


Ipinagdiwang ni Pokwang ang kanyang 42nd birthday kahapon, August 27, kasama ang dalawang taong pinakamamahal niya—ang anak na si Mae at ang American boyfriend niyang si Lee O’Brian.

Sa Instagram account ng Kapamilya comedienne, ipinost nito ang tila dinner birthday celebration niya sa Sofitel Philippines Plaza Manila, sa Pasay City.

Sa caption, pinasalamatan ni Pokwang sina Mae at Lee.

Sa mas nauna namang post ni Pokwang kahapon, napag-alamang nagdaos ng isang misa sa kanyang tahanan para sa kaarawan niya.

Ni-repost naman ni Lee sa kanyang Instagram ang nasabing intimate celebration nila ni Pokwang at ang anak nito.

Caption ni Lee: “Mamang @itspokwang27, Happy birthday Mahal!! #felizdia #Pokwang #happybirthday

Mamang @itspokwang27, Happy birthday Mahal!! #felizdia #Pokwang #happybirthday

A photo posted by Lee O'Brian (@leeobrian) onAug 27, 2015 at 5:59am PDT

Dalawang linggo na ang nakalilipas, inamin ni Lee sa isang panayam na nakunan si Pokwang sa sana’y una nilang baby.

Sinabi rin ng American actor na sinisikap nila ni Pokwang na makabuo muli.

Read: Pokwang suffers miscarriage, confirms her American boyfriend



ANGELICA GREETS POKWANG. Samantala, nag-post naman sa Instagram ang kaibigan ni Pokwang na si Angelica Panganiban ng mahabang birthday message para sa komedyana.

Sa caption, inilarawan ni Angelica ang pagiging malapit na magkaibigan nila ni Pokwang kahit na hindi sila madalas magkita; gayundin ang pagbabalik-tanaw sa mga masasayang araw nila.

Sumagot naman si Pokwang at sinang-ayunan ang mga sinabi ni Angelica.

Sabi pa ni Pokwang tungkol kay Angelica: “Anak kong mahal na matatag at walang makakapagpatumba sa pagkatao mo…”

Matatandang nagkaroon ng isyu si Angelica nitong weekend, matapos niyang sagutin sa Instagram account ang kanyang bashers.

Read: Angelica Panganiban lashes out at bashers for pitting her against Bea Alonzo


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN