Sheryn Regis says businesswoman claiming to be her ex-lover is just a friend

Nagsalita na ang singer na si Sheryn Regis tungkol sa nagpakilalang ex-lover daw niyang si Emy Madrigal. Ayon kay Sheryn, isa raw itong fan na naging kaibigan niya. Pero hindi na nito ang tungkol sa diumano’y naging relasyon nila.


Hindi tuwirang sinagot ng singer na si Sheryn Regis ang isyu tungkol sa naging relasyon diumano niya sa kapwa-babae—ang negosyanteng si Emy Madrigal.

Sa kanyang ipinatawag na presscon kaninang hapon, August 28, diretsang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheryn kung ano ang kaugnayan ni Emy at sino ito sa buhay niya.

Tugon ng singer, “Opo, she’s a friend.

“I know her… she’s one of the fans. Ganun.

"Siyempre, introduced by a friend to a common friend, and then, yun.

“I don’t want to talk about it now.”

Sa panayam ng PEP kay Emy noong May 2014, sinabi nitong nagkaroon sila ng mutual understanding ni Sheryn mula 2005 hanggang 2011.

Taong 2011 daw naging pormal ang kanilang relasyon.

Read: Singer Sheryn Regis allegedly had an affair with another woman

Ano ang masasabi ni Sheryn dito?

Pahayag ng Star In A Million runner-up, “Actually, wala naman akong dapat linawin kasi, as far as I can remember, I had already issued a statement.

"I think that was final."

Ang tinutukoy ni Sheryn ay ang inilabas niyang statement isang linggo pagkatapos magpa-interview ni Emy sa media.

Dito ay mariin niyang pinabulaanan ang alegasyon ni Emy na naging sila sa loob ng maraming taon.

Read: Sheryn Regis denies affair with another woman

Nabulabog ba ang tahimik nilang pamumuhay sa Amerika, kasama ang asawang si Earl at isang anak na babae, dahil sa inilabas na isyu ni Emy?

Sagot ni Sheryn, “Nabulabog? Siyempre, nobody will ever be bulabog sa ganung issue. Pero nakaraan na yun.”



BUHAY-AMERIKA. Taong 2010 nang lisanin ni Sheryn ang magandang karera niya bilang singer dito sa Pilipinas.

Pangunahing dahilan ng kanilang pag-migrate sa Amerika, magpi-pitong taon na raw noon ang kanilang anak at dapat doon na sila tumira para maging kuwalipikado sa pangarap nilang maging US residents.

Naging simple lang daw ang buhay nila doon kung saan rumaraket paminsan-minsan si Sheryn bilang singer sa The Filipino Channel (TFC).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kanya namang asawa ay may trabaho na rin daw doon; at minsan ay si Sheryn ang naghahatid sa kanyang mister sa trabaho at sa anak nila sa school.

Kuwento pa niya, “Simpleng buhay, peaceful.

“Actually, I was in a choir sa church noon, kasi siyempre naisipan ko, maiba naman.

"Nagku-choir ako sa church and then iba rin yung mga kasama mo, mga puti.

“There, I’m very independent—no yaya, no maid.

"You need to be very independent in what you do."

May pinagsisihan ba siya na umalis siya sa Pilipinas? Na baka wala na siyang balikang karera?

Sagot ni Sheryn, “Wala naman.

“Ako kasi, I’m a very positive thinker, e.

"In any ways, kahit na alam ko naman na… you don’t need to be very complacent, kasi lahat naman ng tao ay bigla-biglang susulpot.

"Ako, as long as nakakakanta pa ako, I’m still very positive na may babalikan naman ako, kahit hindi ganun kalaking shows.

“I’m fine, kasi mahal ko talaga yung supporters ko, e, kung meron pa man, so okay lang.”

Dalawang buwan ang itatagal sa bansa ng tinaguriang Crystal Voice of Asia para sa series of shows niya sa Casino Filipino, na magsisimula sa Iloilo sa September 2.

Lalabas din daw si Sheryn sa ASAP sa darating na Linggo, August 30.

Watch Sheryn sings her hit song Come in Out of the Rain. 😘

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) onAug 28, 2015 at 1:08am PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN