GMA hits back at SkyCable for tagging the TV network's NTC complaint "malicious" and "without basis"

GMA Network maintains their NTC complaint vs. Skycable is based on Kapuso viewers' "numerous complaints" about cable service interruptions, particularly during airing of Eat Bulaga's AlDub Kalyeserye.


Inalmahan ng GMA Network ang pahayag ng Skycable na malisyoso at walang basehan ang reklamong inihain ng Kapuso network sa National Telecommunications Commission (NTC).

Ang NTC ang ahensiya ng gobyerno na namamahala at kumokontrol sa mga kumpanya at ahensiyang nagbibigay ng serbisyong pang-telekomunikasyon sa Pilipinas.

Kaugnay ang reklamo ng diumano'y kawalan ng channel signal ng GMA sa naturang cable service provider, partikular na sa timeslot ng “KalyeSerye” segment ng Eat Bulaga.

Tampok sa naturang segment ang tambalan nina Alden Richards at Yaya Dub (a.k.a. Maine Mendoza), na masugid na sinusubaybayan ng Kapuso viewers at maging ibang showbiz personalities.

Sa opisyal na pahayag ng GMA ngayong Sabado, August 29, iginiit ng pamunuan ng TV network na kalakip ng reklamong inihain sa NTC ang mismong hinaing ng SkyCable suscribers, tungkol sa diumano'y kawalan ng channel signal ng GMA mula July 19 hanggang August 21.

Narito ang kabuuan ng pahayag ng GMA na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng email, ngayong araw:

"SkyCable issued a press statement calling the complaint, which GMA Network filed with the NTC regarding the poor cable signal during the airing of the noontime show Eat Bulaga, particularly during the airing of its 'Aldub kalye-serye segment', as malicious and without basis.

"In reply, GMA Network wishes to point out that:

"1. GMA’s complaint with the NTC is based on the numerous complaints GMA has received from its viewers.

"2. Instead of merely saying that GMA's complaint is malicious and without basis, SkyCable would do well to refute the specific complaints of GMA's viewers submitted to the NTC, where the case is now pending."

Huwebes, August 27 nang unang mailathala ang tungkol sa August 25 complaint letter na isinumite ng GMA laban sa SkyCable sa NTC.

Read: http://m.pep.ph/news/56424/aldub-followers-raise-concern-over-loss-of-gma-signal-on-skycable

Ngunit sa opisyal na pahayag ng SkyCable kahapon, August 28, nilinaw ng pamunuan ng cable service provider na "isolated" case lang ang "service interruptions" na nararanasan ng kanilang subscribers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinabulaanan din ng SkyCable ang ispekulasyong tila GMA channel ang madalas mawalan ng signal sa naturang cable service provider.

Read: http://www.pep.ph/news/56496/skycable-answers-gma39s-malicious-accusation-over-loss-of-signal


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN