Alden Richards reaches one million followers on Twitter

Kapuso heartthrob Alden Richards is the latest local celebrity to have reached one million followers on Twitter.


Patuloy ang pagdating ng magagandang pangyayari sa tinaguriang "Pambansang Bae" na si Alden Richards.

Ngayong araw, September 1, ay umabot na sa one million ang followers niya sa Twitter (@aldenrichards02).

Sa isang event para sa isang endorsement niya ngayong araw, September 1, ay nahingan ng maikling pahayag si Alden kaugnay ng maituturing na milestone na ito sa kanyang showbiz career.

Sabi niya, "Never kong in-expect na magkakaroon ako ng ganun karaming followers.

"Happy na nga ako na maraming nagpa-follow sa social media ko, e, pero it's all thanks to everyone."

Nagpasalamat din si Alden sa kanyang followers sa pamamagitan ng Twitter:

1Million followers!!! Maraming maraming salamat po!!! 👋🏻😏 pic.twitter.com/vS1hPnaZlP

— Alden Richards (@aldenrichards02) September 1, 2015

Ayon sa socialbakers.com, nitong nakalipas na isang buwan ay nadagdagan ng 415,653 ang followers ni Alden.

Ang kanya namang ka-loveteam na si Maine Mendoza ay nadagdagan ng 581,569 followers sa Twitter (@mainedcm).

Sina Maine at Alden ang nanguna sa listahan ng "fastest-growing celebrities profiles in Philippines" nitong nakalipas na buwan, base pa rin sa data ng socialbakers.com.

Ang kinabibilangan naman nilang programa na Eat Bulaga! ay nadagdagan ng 217,739 followers nitong nakalipas na isang buwan.

Base naman sa daily tweets, as of 9:45 P.M. ng September 1, nanguna si Alden with additional 16,820 followers at pangalawa si Maine with additional 15,352 followers.

Samantala, ang Instagram account ni Alden (aldenrichards02) ay umabot na sa 792k followers.

Mainit pa rin ang pagtanggap ng netizens sa AlDub, ang tambalan ni Alden at ni Yaya Dub o Maine Mendoza sa totoong buhay.

Noong Sabado, August 29, ay umabot sa 3.5 million tweets ang hashtag na #AlDubMaiDenHeaven.

Nalampasan na nito ang 3.34 million tweets ng #PapalVisit noong January 2015.

Read: #ALDUBMaiDenHeaven surpasses #PapalVisit on most tweets in the Philippines

Consistent namang hindi bumababa sa one million tweets ang iba pang hashtags ng AlDub loveteam nitong nakalipas na mahigit isang linggo.

TOP 10 MOST FOLLOWED CELEBS ON TWITTER. Ang one million followers na ito ni Alden sa Twitter ay malayung-malayo pa kung tutuusin sa most followed Pinoy celebs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit hindi maipagkakailang malaking improvement ito sa career ng Kapuso star.

Ang Top 10 most followed Filipino celebrities on Twitter ay sina: Anne Curtis (8M), Angel Locsin (6.4M), Vice Ganda (5.6M), Kathryn Bernardo (4.9M), Angelica Panganiban (4.7M), Yeng Constantino (4.6M), KC Concepcion (4.3M), Bianca Gonzalez (4.3M), Luis Manzano (4.2M), at Daniel Padilla (4.1M).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN