Kean Cipriano not bothered by other artists who lip sync: "Wala tayong pakialam dun."

Kean Cipriano on being a music star and a familiar face on TV and in the movies: “I’m truly blessed na ang daming projects... parang contribution mo siya sa Philippine arts industry.”


Bilang isang musician, ano ang komento ni Kean Cipriano sa isyu ng singers na nagli-lip sync sa telebisyon?

Matatandaang si Rhap Salazar ang unang nag-raise ng isyu na ito, pero marami napataas ang kilay ng marami dahil sa pagli-lip sync na rin nito sa It’s Showtime kamakailan.

Read: Rhap Salazar lip-syncs on TV and he loved it

Pahayag ni Kean, “Ako kasi, personally, hindi ako nagli-lip sync.

"Hindi ko siya kayang gawin, never pa kong nag-lip sync.

“Ayoko siyang gawin, honestly, ayokong mag-lip sync, pero personal ko yun.

“Yung ibang tao, hindi natin alam kung bakit sila nagli-lip sync, hindi naman natin alam ang story behind.

“Parang wala tayong pakialam dun… whatever, whatever, hindi talaga natin alam.

“But the fact na nandoon yung singer sa stage at kumakanta, gusto niyang mag-entertain at magpasaya ng maraming tao.

“So, I have nothing against lip syncing, walang problema yun as long as masaya sila sa ginagawa nila."

Patuloy ng Callalily vocalist, “Kasi ako naman, hindi ko alam na magiging singer ako, pero naging singer ako.

“Hindi mo alam, baka yung iba riyan, may innate talent na hindi natin nakikita.

“Bakit hindi natin tingnan, baka meron and it’s doing well.

“At yung ibang artists din na gumagawa ng original songs, I admire that.”

May karapatan siyang magsabing hindi niya gustong mag-lip sync dahil may kumpiyansa siya sa sarili na kaya niyang kumanta.

“I wouldn’t say na maganda ang boses ko, kasi I just use my voice, thankfully, in a distinct way.

“Maybe, pero yun na yun.

“Kung sinabi man na hindi ka magaling kumanta, just do what you want to do.

“Parang si Enchong Dee, kausap ko siya, ‘Parang hindi naman talaga ako singer pero gusto kong kumanta.’

“Sabi ko, ‘Bakit hindi mo gawin?’

“Kaibigan ko yun, and aside from the fact na kaibigan ko siya, enjoy siya dun, suportahan ko yun, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FROM SINGING TO ACTING. Natutuwa si Kean na mula sa pagiging lead vocalist ng Callalily ay na-penetrate na rin niya ang larangan ng pag-arte sa telebisyon at pelikula.

Napapanood siya sa gag show ng ABS-CBN na Banana Nite at ilang TV guestings, habang aktibo rin siya sa paggawa ng pelikula mapa-indie o mainstream man.

Sabi niya, “Wala naman akong exclusivity ever.

"Ag galing nga, kasi nai-invite ako sa iba’t ibang projects.

“Ngayon, nandito ako sa Regal, may ginagawa akong indie, may ginagawa ako sa Star Cinema.

“I’m truly blessed na ang daming projects na nangyayari, parang nagiging contribution mo siya sa Philippine arts industry.”

Ang indie film na ginagawa niya ay ang Exorcist, kung saan kasama niya sina Alex Medina at John “Sweet” Lapus. Gumaganap siya ritong pari.

“Maganda yung pelikula, promise.

“Yun ang kagandahan ng art, hindi naman ako puwedeng maging pari in real life, pero dito, puwede.

“Mabait ako dito pero yun ang kailangang i-check. Horror-comedy siya.”

Posibleng sa November daw ipalabas ang Exorcist.

Sa Regal Films naman, ginagawa niya ang Love is Blind kunsaan kapareha niya si Kiray Celis.

Kasama rin dito ang dating magkasintahang sina Derek Ramsay at Solenn Heussaff.

Biro pa ni Kean, “Abangan niyo ang team-up namin ni Kiray… KiKe, it’s Kiray and Kean.”

Aminado si Kean na nag-e-enjoy rin siya sa pag-arte.

Kasama rin si Kean bilang isa sa contestants ng Your Face Sounds Familiar Season 2 ng ABS-CBN.

May bago ring album ang Callalily, ang Greetings from Callalily, bilang bahagi ng kanilang 10th anniversary.

Ilalabas ito this September under Universal Records, pero nauna nang nai-release ang single nilang “Now I’m Dancing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN