Maine Mendoza got stood up by Alden Richards?

Maine Mendoza to Alden Richards: "Akala ko ba magrrehearse tayo ng sabay? Wer na u? Dito na me."


Tila hindi tumupad si Alden Richards sa usapan nila ni Maine Mendoza o Yaya Dub na sabay silang magre-rehearse para sa kani-kanilang production numbers sa "Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More" sa Sabado, September 5.

Sa episode kasi ng KalyeSerye ng Eat Bulaga! ngayong Miyerkules, September 2, ay napagkasunduan nina Alden at Yaya Dub na sabay silang magre-rehearse.

Read: Alden vs Yaya Dub in "Bulaga Pa More" wildcard edition

Pero nang magpunta si Maine sa Broadway Centrum ngayong hapon ay wala roon si Alden.

Nag-post pa nga ng larawan si Maine, sa Instagram at Twitter, na kuha mula sa eksaktong puwesto ni Alden habang nagpapalitan sila ng fan signs sa KalyeSerye kanina.

May fan sign din siyang ginawa na ganito ang mensahe: "Wer Na U? Dito Na Me"

Akala ko ba magrrehearse tayo ng sabay? Wer na u? Dito na me.

A photo posted by Maine Mendoza (@mainedcm) onSep 2, 2015 at 2:16am PDT

Maghaharap sina Maine at Alden sa wildcard edition ng "Bulaga Pa More" dahil sila ang nakakuha ng pinakamaraming likes sa Facebook sa hanay ng Eat Bulaga! hosts na natalo sa weekly round.

Ang mananalo sa kanila sa Sabado ang lalaban sa grand finals, kung saan makakatunggali naman nila sina Paolo Ballesteros, Ruby Rodriguez, Ryzza Mae Dizon, at Patricia Tumulak.

Sa episode ng KalyeSerye kanina ay pinayagan na ni Lola Nidora (Wally Bayola) na sumali si Yaya Dub sa "Bulaga Pa More" wildcard edition sa dalawang kundisyon.

Una, kailangang isama niya ang mga Rogelios sa kanyang production number at para magbantay na rin sa kanya.

Pangalawa, hindi sila magkikita ni Alden kahit na anumang mangyari.

Sa kabila nito, marami ang umaasang sa Sabado na ang "tamang panahon" para sa pagkikita nina Alden at Yaya Dub.

Pero desidido si Lola Nidora na gawan ng paraan para hindi sila magkita.

Samantala, lumagpas na naman sa one million tweets ang bagong hashtag ng AlDub na #ALDUBJourneyToForever ngayong araw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN